ISLA POVAlas-otso na ng gabi. Tahimik ang buong bahay, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa tunog ng TV mula sa kabilang kuwarto. Nakaupo ako sa harap ng mahabang dining table, nakatitig sa steak na pinirito ko kanina at ngayon ay unti-unti nang lumalamig.Suot ko ang paborito kong emerald green silk dress. Sabi kasi ni Enrique noon, bagay na bagay sa akin ang kulay na iyon dahil mas lumalabas daw ang ganda ng kutis ko. Walong taon na kaming kasal. Walong taon akong nag-alaga sa kanya, tumulong sa pamilya niya, at sumuporta sa mga negosyo nila nang walang reklamo. Akala ko, kung magiging mabuti akong asawa, sapat na iyon para manatili siya sa tabi ko."Happy anniversary sa atin, Enrique," bulong ko sa sarili habang sinisindihan ang huling kandila sa ibabaw ng cake na ako mismo ang gumawa.Pero lumipas ang alas-nuwebe. Sumunod ang alas-diyes. Hanggang sa mag-alas-onse na, wala pa rin si Enrique.Ilang beses na akong tumawag at nag-text sa kanya, pero naka-off ang phone niya. Ang
Last Updated : 2026-10-20 Read more