CHAPTER FIFTEENHabang nagmamaneho papunta sa apartment ni Adrian, maraming beses niyang sinubukang tawagan ito pero wala pa ring sumasagot.May nakakaalam tungkol sa ikalawang envelope bago pa nila ito mabuksan. Ibig sabihin, may nagmamasid sa kanila—at posibleng alam nito ang mga bagay na matagal nang pilit itinatago ng kanilang mga pamilya.Samantala, nasa living room si Adrian, nakatitig sa lumang kahon na iniwan ng kanyang ama. Sa loob nito ay ang litrato nina Daniel, Julian, Alejandro, at ng lalaking may kakaibang singsing. May mga dokumento rin siyang hindi pa lubos na naiintindihan.Sa ilalim ng mga papel, may nakita siyang maliit na envelope na kulay krema. Pangalan niya ang nakasulat sa harap.Adrian CruzKilalang-kilala niya ang sulat-kamay ng kanyang ama. Sa likod ng sobre, may nakasulat na isang pangungusap.Open this only when someone asks about the second envelope. Be careful, son.Napailing siya. “Dad, ano na naman ba to? Is this a game?”Ilang taon nang wala si Daniel
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-22 อ่านเพิ่มเติม