DISCLAIMER! READ AT YOUR OWN RISK! Babala! Mature content po, matinding drama, at may pagka-martir po. Happy reading! Love lots 🫶"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride, Ezekiel," sabi ng judge na nagkasal kina Ezekiel at Scarlett. Humarap si Scarlett kay Ezekiel. Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa kanyang asawa. Ngunit si Ezekiel ay nanatiling walang reaksyon. Walang bakas ng saya sa mukha nito. Pumayag si Scarlett sa kasal kahit walang enggrandeng seremonya, walang mga bisita at iisa lamang ang kanilang witness. Hindi rin sila sa simbahan ikinasal. Ezekiel arranged everything for their wedding. Wala siyang ginawa kundi ang pumunta sa private office ng judge. Walang magandang wedding gown, ni hindi niya alam kung may presyo ba ang suot niyang wedding ring na bigay ni Ezekiel. Ni walang proposal na naganap. Pumunta siya sa opisina ng judge, ang suot niya ay fitted jeans at white crop top. Not appropriate para sa kaniyang kasal pero biglaan kasi.
Terakhir Diperbarui : 2026-11-01 Baca selengkapnya