MY CEO EX-HUSBAND BEGS FOR ME

MY CEO EX-HUSBAND BEGS FOR ME

last updateLast Updated : 2026-11-27
By:  RIDA WritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

SA loob ng limang taong na kasal sina Scarlett Rose at Ezekiel King Marcelo, puro malamig na pakikitungo ang narasanan ni Scarlett. Hindi niya alam kung asawa pa ba ang turing nito sa kanya sa loob ng limang taon nilang pagsasama. Pero mahal niya ang asawa. Nagtiis siya, tinanggap ang pangungutya ng buong pamilya at mga kaibigan nito. "Ezekiel, mahal kita. Kaya tinalikuran ko ang lahat. Tiniis ko lahat para sayo. Sa loob ng limang taon hindi mo ako nagawang mahalin! Pagkatapos, ipagpapalit mo ako sa babaeng sinasaktan ka lang at binabalewala!" Sumbat ni Scarlett. Natigagal si Ezekiel. Sa loob ng limang taon ngayon lang niya narinig na naglabas ng kanyang sama ng loob ang asawa. Hindi ito kailanman nagreklamo sa kanya kahit gaano pa kapangit at kasama ang pakikitungo niya. "Hahayaan kita na makasama ang babaeng pinapangarap mo. Sa oras na umalis ako sa buhay mo, ito ang tandaan mo.... huwag na huwag mo akong hahabulin gaya ng paghahabol ko sayo ng kaunting pagmamahal mo!" Pagkasabi niyon ni Scarlett ay tumalikod na siya sa asawa. Diretso sa kanilang silid. Tuluyan na kayang isusuko ni Scarlett ang kanyang pagmamahal para sa asawa at ipapaubaya sa babaeng pinapangarap nito?

View More

Chapter 1

ONE

DISCLAIMER! READ AT YOUR OWN RISK!

Babala! Mature content po, matinding drama, at may pagka-martir po. Happy reading! Love lots 🫶

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride, Ezekiel," sabi ng judge na nagkasal kina Ezekiel at Scarlett.

Humarap si Scarlett kay Ezekiel. Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa kanyang asawa. Ngunit si Ezekiel ay nanatiling walang reaksyon. Walang bakas ng saya sa mukha nito.

Pumayag si Scarlett sa kasal kahit walang enggrandeng seremonya, walang mga bisita at iisa lamang ang kanilang witness. Hindi rin sila sa simbahan ikinasal.

Ezekiel arranged everything for their wedding. Wala siyang ginawa kundi ang pumunta sa private office ng judge. Walang magandang wedding gown, ni hindi niya alam kung may presyo ba ang suot niyang wedding ring na bigay ni Ezekiel. Ni walang proposal na naganap.

Pumunta siya sa opisina ng judge, ang suot niya ay fitted jeans at white crop top. Not appropriate para sa kaniyang kasal pero biglaan kasi. Hindi talaga siya handa. Samantalang si Ezekiel ay naka-black suit. Napaka-gwapo nito at sobrang hot. Kaya maraming babae ang nagkakandarapa o naghahabol sa kanya.

Pero ngayon na kasal na sila, walang puwedeng kumuha ng sa kanya na.

But she didn't regret marrying Ezekiel. And she will never be, no matter what.

Tinitigan ni Ezekiel si Scarlett. Maganda ang babaeng magiging asawa niya. Maputi at mukhang inosente. Pero sa kabila ng inosenteng mukha nito, para sa kanya ay isa itong spoiled brat na babaeng gustong laging nasusunod ang lahat ng gusto.

Hindi niya akalaing hahantong sa ganito kabilis ang lahat. Ayaw niyang tutulan ang kasal nila ni Scarlett. Ang Valderama International ang nakasalalay kung hindi niya pakakasalan si Scarlet. Masisira ang kanyang pausbong pa lamang na pangalan sa larangan ng negosyo.

Now, they were standing in front of a judge, getting married.

Isang kasal na hindi niya kailanman pinangarap.

Natigilan si Scarlett nang dumapo ang labi ng kanyang asawa sa kanyang pisngi.

Isang halik sa pisngi. Bakit?

Ang inaasahan niya ay halik sa labi na punong-puno nang pagmamahal. She dreams that on her wedding day with her husband.

"Puwede mo naman akong halikan sa labi, Ezekiel. I'm twenty years old and not a minor," nakangiti pa ring sabi ni Scarlett.

Yes, she's twenty. She's not young as what they told them. Graduating na siya ng Business Administration, with flying honors.

Malamig ang tinging ibinigay ni Ezekiel sa kanyang asawa.

"Don't tell me what to do. We are married now at ako ang masusunod," may diin nitong sabi.

Napasinghap si Scarlett. Sandaling nawala ang kanyang ngiti pero pilit niyang inalis sa isip ang sinabi ng asawa. Ang importante ay kasal na sila. Iyon lang muna ang gusto niyang isipin.

She tried to smile. Ayaw niyang masira ang araw na ito dahil lang sa isang halik sa pisngi.

"Mr. Valderama, please sign the marriage certificate," sabat ng judge habang inilalagay ang isang papel sa ibabaw ng lamesa.

Tiningnan ni Ezekiel ang papel. Nakalagay doon ang pangalan nilang dalawa ni Scarlett.

Walang pag-aalinlangan niyang kinuha ang ballpen at nilagdaan ang dokumento. Pagkatapos ay iniabot niya iyon kay Scarlett.

Agad namang kinuha ng dalaga ang ballpen. Hindi niya maiwasang mapangiti habang tinitingnan ang marriage certificate.

Scarlett Rose Valderama at sa kabila naman ay ang pangalan ni Ezekiel.

Iyon na ang magiging pangalan niya mula sa araw na iyon. Asawa na nga siya ni Ezekiel King Valderama.

Matagal na niyang pinangarap na maging asawa ang lalaking kaharap niya. Hindi niya inakalang sa ganitong paraan mangyayari ang lahat, pero wala na siyang ibang hihilingin kundi sana ay magkaroon din ng puwang sa puso nito balang araw.

"Congratulations to both of you," bati ng judge matapos lagdaan ni Scarlett ang dokumento.

"Thank you, Judge," masayang sagot niya.

Agad na tumayo si Ezekiel at inayos ang suot niyang coat.

"Let's go. I have somewhere to be," malamig nitong saad.

"Wait, Ezekiel. Hindi ba tayo magdi-dinner muna? Kahit saglit lang?" tanong ni Scarlett, napatingala siya sa asawa.

"No. I have an important appointment."

Hindi na nakasagot ang dalaga nang tuluyan na itong tumalikod at naglakad palabas ng silid.

Napayuko si Scarlett bago muling ngumiti. Alam niyang hindi ganoon kadali para kay Ezekiel na tanggaping asawa siya nito. Kaya kahit sobrang lamig ng pakikitungo nito ay hindi siya nagrereklamo.

Hindi na mababago ang lugar niya sa buhay ng asawa.

"Ma'am, tayo na po. Inutos po ni Sir Ezekiel na dalhin kita sa condo niya," sabi ng driver na witness nila nang lumapit ito sa kanya.

Tango ang naging sagot ni Scarlett at naglakad na rin palabas ng private office ni Judge San Martin.

HABANG nasa loob ng sasakyan, napangiti si Scarlett at inalala ang mukha ni Ezekiel.

Excited na siya bilang asawa ni Ezekiel King Valderama. Magampanan ang kanyang tungkulin bilang maybahay o kabiyak nito. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanyang asawa at siya ang nanalo.

"I'm sorry, Mom and Dad. I love Ezekiel more than I thought I could," bulong niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

Alam niyang hindi magiging madali ang desisyon niya. Lalo na at hindi sang-ayon ang kanyang mga magulang sa pagpapakasal niya kay Ezekiel. Ngunit umaasa siyang darating ang araw na maiintindihan din ng mga ito kung bakit niya pinili ang lalaki.

Hindi niya ipinaalam sa pamilya niya ang tungkol sa kanyang kasal.

Napatingin siya sa suot na singsing sa kanyang daliri. Napangiti siyang muli.

Asawa na siya ni Ezekiel.

Iyon ang pinakamahalagang bagay para sa kanya ngayon.

Hindi niya alam na ang araw na iyon ang magiging simula ng isang pagsasamang magtuturo sa kanya kung gaano kasakit ang magmahal nang mag-isa.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status