MUNTIK na mapatalon sa gulat si Mashyana nang bigla na lamang sinira ni Ice ang pintuan ng kwartonng pansamantalang uukupahan nila."Sorry, mukhang nagulat kita.""A-ayos lang," pabulong na tugon niya at humakbang na. Napatigil siya nang makita niya ang kama, may kalakihan iyon.Ang kinagulat niya na halos mapanganga siya nang makita niya kung ano ang nasa ibabaw noon. Meron kasing naka-heart shape na mga petals ng red-rose sa ibabaw noon. Hindi niya magawang lingunin si Ice sa may likuran niya, dahil alam niyang kasing kulay na ng red-rose ang mukha niya nang mga sandaling iyon. Iba kasi pumasok sa utak niya habang tinitignan niya ang mga iyon, para kasing mag-h-honeymoon sila ni Ice sa itsura ng kama."Aherm, nagugutom ka ba-" Napabitin sa eri ang sasabihin niya nang paglingon niya'y wala si Ice sa likuran niya kundi nasa may gilid kung saan meron sofa na may kalakihan."Hubarin mo na iyang damit mo."Kumurap-kurap ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki. Bakit siya nito pinahuhubad?
Last Updated : 2026-11-02 Read more