CASSIE POINT OF VIEWPagbukas ko pa lang ng pinto ng opisina ko, narinig ko na agad ang boses ni Brandon sa labas. Medyo malakas iyon, parang nakikipagtalo sa secretary ko na si Mae. Hindi ko na kailangang sumilip nang matagal para malaman na pinipilit niyang pumasok kahit sinabihan na siyang bawal."Mae, pasok ka na muna sa loob," sabi ko nang makalapit ako sa reception area.Tumango si Mae, halatang na-relieve dahil kanina pa siya naiipit sa ingay ni Brandon. Pagpasok niya sa loob, humarap ako kay Brandon. Nakasuot siya ng grey suit, medyo magulo ang buhok, at halatang puyat o stress. Wala na yung preskong look niya na madalas niyang ipagyabang dati kapag pumupunta siya dito."Ano'ng kailangan mo, Brandon?" tanong ko, nakahalukipkip habang nakasandal sa gilid ng pinto.Agad siyang humakbang palapit, pero tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya. "Diyan ka lang. Huwag kang lumapit."Huminto siya, napakurap, tapos biglang pilit na ngumiti. "Cassie, please. Mag-usap tayo nang maayos. H
Huling Na-update : 2026-11-20 Magbasa pa