CASSIE POINT OF VIEWNag-refresh ang screen ng laptop ko, at lumitaw sa tuktok ng inbox ang bagong email mula kay Attorney Vergara. Mabilis kong binuksan iyon kahit hindi pa ako nakakaupo nang maayos. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na ganito kabilis makakakuha ng sagot ang team niya tungkol sa third party na gusto raw bilhin ang shares ng Tiongson Group.Pagbukas ko ng attachment, agad kong nakita ang pangalan na naka-highlight sa unang paragraph.Lumina Logistics & Holdings.Napakunot ang noo ko. Hindi pamilyar sa akin ang pangalan ng kumpanyang iyon, o baka meron akong nakalimutan mula sa dati kong buhay. In-scroll ko pa nang kaunti para basahin ang background summary na inilagay ni Attorney Vergara. Ayon sa report, bagong tatag lang ang Lumina sa papel, pero ang mga nakatagong shareholders sa likod nito ay may koneksyon sa isang business group mula sa Cebu at isang banyagang investor na matagal nang nag-iikot sa Southeast Asia para bumili ng mga
Huling Na-update : 2026-11-23 Magbasa pa