KAELAN POVBinuksan ko ang pinto ng conference room at nakita ko si Mr. Victor Regalado na nakatayo habang naghihintay. May edad na siya, maayos ang suot na kulay abong suit, at seryoso ang mukha. Nang makita niya akong pumasok, agad siyang ngumiti nang bahagya at inilahad ang kanyang kamay."Mr. Del Fierro, isang karangalan na makaharap ka sa wakas," bungad ni Mr. Regalado habang nakikipagkamay sa akin. "Matagal ko nang gustong makausap ang taong nasa likod ng mabilis na pagbagsak ng Tan-Co Holdings.""Maupo kayo, Mr. Regalado," sagot ko habang naupuan ang silya sa kabilang dulo ng mahabang mesa. "Diretso na tayo sa usapan. Alam ko kung bakit ka nandito ngayong gabi."Umupo si Mr. Regalado at inayos ang dalang briefcase sa ibabaw ng mesa. Kinuha niya ang ilang dokumento at inilapag sa harap ko."Alam mo kung anong ginawa ng pamilya Tan-Co sa kumpanya ko noon," panimula niya. "Ibinigay nila sa iba ang kontrata para sa port logistics kahit kami ang nanalo sa bidding. Dahil doon, nalugi
Last Updated : 2026-11-06 Read more