Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago pa ito tuluyang dumaloy habang pinagmamasdan ang anak kong mahimbing nang natutulog. Ilang taon kong pinilit alisin sa isipan ko ang mga pangyayaring iyon. Nang isilang ko si Kendall ay pinilit kong kalimutan ang hinanakit ko kay Calvin, dahil ayokong mabahiran ng pait ang pagmamahal ko sa anak ko. Isa pa, sa kabila naman ng mga nangyari ay minahal ko pa rin siya. Kaya nga kahit hiwalay na kami nang malaman kong buntis ako, prinotektahan ko pa rin si Calvin mula kina papa. Alam kong kung malalaman nila na ang sikat na si CK ang ama ng anak ko ay eeskandaluhin nila ito, at maari iyon makaapekto sa career niya at ng buong grupo, at maari din makaapekto sa bago nilang kontrata sa America. Kaya oo, tanga na kung tanga, kahit masakit pa ay ayoko pa rin na masira ang mga pangarap niya, kahit iyon ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Siniguro kong maayos na ang pagkakahiga at kumot at unan ni Kendall bago ko siya iniwanan sa kama. Mabagal an
Huling Na-update : 2026-11-18 Magbasa pa