Home / Romance / The Secret Daddy / Chapter 1: "She's yours..."

Share

The Secret Daddy
The Secret Daddy
Author: Serene Writes

Chapter 1: "She's yours..."

Author: Serene Writes
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-18 21:27:58

"Look Mommy, I wrote a letter for Auntie Shan," sa magiliw na boses na pagmamalaki sa akin ng anak ko.

Binalingan ko siya matapos kong mag-apply ng lipstick sa aking labi. Kinuha ko ang colored paper na hawak niya at tiningnan. She draw a girl sitting on a chair, beside her is a little girl who's holding a flower, and with capital letters of I love you Auntie Shan. Natutuwang hinaplos ko ang pisngi niya.

"Ang sweet naman ng Baby Kenny ko. Pa-kiss nga." Excited naman siyang yumakap sa batok ko at hinalikan ako sa pisngi ko.

Kendall is only 4 years old but she's smart enough to know how to show affection. She's the sweetest little girl I've ever met. I had her when I was young, twenty years old. Hindi madali ang pagiging ina lalo na't mag-isa lang ako. I am a single mother. Hindi naging madali para sa mga magulang ko ang tanggapin ang pagbubuntis ko, para sa kanila ay kahihiyan ito sa pamilya, isa pa ay gusto nilang makapagtapos muna ako ng pag-aaral at maging Civil Engineering bago magkaroon ng boyfriend. Pero naging pasaway ako at nagkaroon ng boyfriend nang hindi nila nalalaman.

Ayoko naman talagang magsinungaling o magtago ng sekreto sa kanila, pero masyadong mabigat ang kamay ng ama ko habang matalim naman ang dila ng mama ko. Umuwi lang ako ng late ay nagagalit na sila. I was a good daughter, pero nakakasakal na.

I was eighteen when I met the father of my child. Alam kong bawal pa ako sa relasyon kaya sinubukan kong pigilan, pero mahirap pala. I fell in love with him to the point na sinuway ko ang mga magulang ko. Itinago kong may boyfriend ako, kaya nagulat na lang sila nang malamang buntis ako. I was feeling sick for three days that's why my parents insisted to take me to the hospital, at doon ko lang din nalaman na buntis nga ako.

They were mad at me, kambal na sampal ang binigay sa akin ng papa ko. At alam kong kung hindi lang ako buntis ay malamang higit pa roon ang inabot ko. Nang tanungin nila ako kung sino ang ama ay hindi ko masabi, I told them his name but not his whole name, or his identity. Alam ko ang kayang gawin nila Papa kapag nalaman kung sino ang boyfriend ko, kaya naman hindi ko hinayaan na makilala nila ito.

Yes, I'm protecting him even after we broke up.

Nang maghiwalay kami ay nagpasya akong bumukod na ng bahay. Tumira ako sa bahay ng lola ko na ipinamana sa akin. I applied for an online job so I didn't have to ask my parents' for financial help.

Mula noon ay kilala na ako sa lugar namin bilang Nikola na tinakwil ng magulang dahil sa kahihiyan, ang babaeng nabuntis nang walang asawa o nobyo, pero para sa akin ay ako si Nikola Ferrer, ang ina ni Kendall Clair Ferrer, ang batang kahit kailan ay hindi ko kinahiya.

"Alis na tayo, punta na tayo kay Auntie Shan?" aya ko sa kanya matapos ng mahigpit na yakap.

"Yes Mommy, miss ko na po si Auntie."

Today is my best friend's birthday, also Kendall's ninang. Closed siya sa ninang niya dahil madalas kapag may lakad ako at hindi ko maaring isama si Kendall ay sa kaniya ko ito iniiwan. Although she's disabled, she still can take care of her. And yes, I rather trust her with my child than my own family despite of her condition.

Hindi kalayuan ang bahay ni Shannon sa bahay namin ni Kendall, kaya naman after 15 minutes ay nakarating na kami roon.

"Wala ka talagang bisita?" tanong ko kay Shannon nang makarating kami sa kaniyang kitchen. Naroon na rin ang dining niya. Hindi ganoon kalaki ang bahay niya, walang second floor, at wala rin masyadong barrier walls. Madaling tirhan para sa mga katulad niyang naka wheelchair.

Nang bilhin niya ang bahay ay hindi pa flat floor ang style nito, ngunit pina-renovate niya ito upang bumagay sa kaniya ang designs. At syempre bilang 'supposed to be' Civil Engineering ay natulungan ko siya sa designs. Luckily I was one of the Civil Engineering students who actually know how to draw, na hindi ginagawang excuse ang hindi pagiging 'architect student para pag-aralan ang skill na iyon.

Ako na ang nagpresinta na mag-ayos ng mesa upang makakain na kami ng lunch. Hinayaan niya naman ako dahil sanay na kami sa isa't isa. We used to be neighbors, hindi man siya nakakalabas ng bahay ay ako naman ang laging pumupunta sa bahay nila para makipaglaro. After school ay pinupuntahan ko rin siya at sabay kaming mag-aaral. Hanggang sa nag-abroad at nag-asawa na ang mga kapatid niya kaya humiwalay na siya. She's working as an author and song composer.

"Wala, hindi naman din talaga dapat ako maghahanda kung hindi darating ang inaanak ko," sabi niya habang nililingon si Kendall na abalang nakikipaglaro sa aso ni Shannon na si Coco.

"Sinabi ko na kasing lumandi ka kahit sa online lang muna, para naman hindi ka mag-isa sa mga ganitong okasyon."

Muli niya akong binalingan. "Nikola, hindi ko naman kailangan ng partner. 'Di ba't mas kailangan mo iyon para may katuwang ka sa pagpapalaki kay Kendall."

"Hindi ah, kaya kong mag-isa ang anak ko."

Pinagmasdan niya kong maigi saka muling nagsalita. "Hindi ba naghahanap ng ama si Kendall?"

Natigilan ako at binalingan ang anak ko. She's now laying on the carpet with Coco. "Minsan." Naalala ko nang isang gabi ay nanonood siya ng children show at bigla na lang niyang tinanong sa akin kung nasaan ang daddy niya. She was 3 years old that time. Wala akong naisagot n'on, niyakap ko lang siya at patagong umiyak. Hanggang sa naulit iyon at ang tanging sinasagot ko lang ay he's not here. Kapag tinatanong niya kung nasaan ay sinasabi ko na lang na nagtatrabaho sa malayo.

To be honest, raising a child alone is hard, but I never thought the hardest part is when your child is already asking why you're raising her alone.

"Eventually hindi lang kung nasaan ang daddy niya ang itatanong niya sa 'yo, pati kung sino o anong pangalan nito. Are you ready for that?"

Bumuntong-hininga ako at umiling. "To be honest, hindi. Alam mo rin namang hindi ko maaring sabihin sa kaniya, magiging magulo."

"I don't think Calvin won't accept her, if he only knows."

Halos limang taon na ang nakalipas nang huling beses ko siyang nakita at nakasama, but I still can feel the aches in my heart whenever I hear his name. Usually ay iniiwasan namin banggitin ang pangalan niya, pero kahit anong iwas ang gawin ko ay kahit saan naman nakikita ko ang mukha niya, naririnig ko ang boses niya.

"That doesn’t matter anymore, Shan. 4 years is a long gap now, I don't think it would matter."

"Hindi moving on stage ang pinag-uusapan natin ha, pinapaalala ko lang. Walang year gap ang pagiging ama, and actually, habang tumatanda si Kenny ay mas kakailanganin niya ang ama niya. So yes, it won't matter to you anymore because you've moved on, but it does to her."

Napaiwas ako ng tingin nang banggitin niya ang salitang 'moved on. Hindi ko rin alam kung para saan ang kirot na humaplos sa puso ko, o kung bakit. It's been years since, dapat naman talaga ay moved on na ako, 'di ba?

Shannon shakes her head. "You know what, nevermind. It's my birthday, kaya dapat chill lang tayo. Huwag na natin siyang pag-usapan."

Tumango lang ako at lihim na nagpasalamat. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako magiging handang pag-usapan ito. Ang sabi nila ay sa mga panahon na lumilipas ay matutunan na lang natin na tawanan ang mga bagay na nakasakit sa atin. Alam kong darating din sa akin ang panahon na iyon, pero hindi ko alam kung kailan.

Tahimik nga kaming nag-celebrate ng birthday ni Shannon. Kumain at nagkuwentuhan lang kami, kasama rin sa bonding namin si Kendall pero mas abala naman siya sa pakikipaglaro kay Coco at sa mga laruan niya. After dinner ay nagpasya na akong umuwi, dahil may pasok pa bukas si Kendall sa kaniyang Nursery school. May trabaho pa rin ako bukas sa online job ko. Pinapasok ko na ang mga dala kong gamit ni Kendall sa kotse ko nang natigilan ako sa humintong van sa harap ng gilid ng bahay ni Shannon.

Naisip kong baka bisita iyon ni Shannon, pero sinabi niya na kaninang wala siyang inaasahang bisita. Kaya naman hindi ko na iyon pinansin. Muli na sana akong papasok upang sunduin si Kendall na patulog na sa sofa, nang natigilan ako sa biglang tumawag sa pangalan ko.

"Nikola?!"

Nilingon ko iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko iyon.

"Jackson?"

Magkahalong tuwa at gulat ang nakita ko sa mukha niya. Bago pa ako makapag-react ay lumapit na siya sa akin at yumakap. Napaawang lang ang labi ko at gulat pa rin na tinanggap ang yakap niya. Napatingin ako sa van nang bumukas pa ang p***o mula sa likod at isa-isa pang nagsibabaan ang ilan pang mga pamilyar na tao sa akin.

At isang mukha ang nagpahinto ng mundo ko, lalo na nang nagtagpo ang mga mata namin. Tanging ang malakas na kabog lang ng puso ko ang tanging hindi huminto.

He's here. Calvin Kiel Valerio, ang huling taong gugustuhin kong makita. Ang ama ni Kendall.

Nang bumitaw sa yakap si Jackson ay doon ko lang naputol ang pagtitinginan namin ni Calvin. Pinilit kong ngumiti  kahit na puno na ng kaba ang dibdib ko.

"Bakit kayo nandito? At nasa Pilipinas na pala kayo? Kailan pa?"

"Kaninang umaga lang, we're here to surprise Shannon for her birthday," sabi naman ni Xavier, ang leader ng grupo, pagkalapit niya sa akin. Yumakap at b****o siya sa akin habang may hawak na box na sa tingin ko ay cake ang laman dahil sa brand na nakasulat doon.

Doon ko lang napansin na may mga dala silang mga balloons at nakasuot ng party hat, except kay Jackson at Calvin. Kung normal na pagkakataon lang ito ay siguro natawa na ako sa mga hitsura nila, pero dahil sa kaba ko at nagpa-panic na loob ay hindi ko alam kung anong una kong dapat sabihin o maging reaksyon.

Isa-isa silang nagsilapitan sa akin para bumati at yumakap, tanging si Calvin lang ang nanatili sa gilid ng van at pinapanood lang kami. Galing siya sa passenger seat habang si Jackson ay sa driver's seat.

Siguro kung nakikita lang kami ngayon ng kanilang mga fans ay malamang pinatay na nila ako sa tingin, pero mas mauuna pa rin silang mamatay sa inggit, panigurado. Ikaw ba naman ang yakapin isa-isa ng sikat na boy group sa loob at labas ng bansa. Ang 7Ways.

Sina Calvin o mas kilalang CK, Jackson, Xavier, Joseff, Michael, Mark, Cameron ay kilala nang teenage heartthrob sa Pilipinas, kilala sila bilang magbe-best friend sa industriya. Hanggang sa naisipan nilang sumali sa isang competition sa America at doon ipinamalas ang kanilang mga talento sa pagpe-perform nang magkakasama. Nanalo sila sa competition na iyon at magmula noon ay nakilala na sila bilang global stars. Five years ago ay nagpasya silang mag-migrate sa America na naging madali naman sa kanila dahil halos karamihan sa kanila ay half at dual citizen.

"So, best friend pa rin kayo ni Shannon. Good to know that, at least hindi niya kami masyadong nami-miss," tumataas-babang kilay na sinabi ni Cameron habang nilalaro ang isang balloon na hawak niya.

"How is it becoming a good thing? Shouldn't we be sad that she didn't miss us?" reklamo naman ni Joseff.

"Teka, may iba ba siyang bisita? I guessed she doesn't have any idea that we're coming," Mark asked.

"Man, it's a surprise, of course we didn't inform her," natatawang sabi naman ni Michael.

Niisa sa mga sinabi nila ay wala akong nasagot.

"Una na ako sa loob, I want to see her," excited na sinabi ni Jackson. "Light up the candle before you go in, alright," he told Xavier as he was tapping his shoulder.

Bago ko pa siya mapigilan ay tumuloy na siya sa loob. Susunod sana ako pero pinigilan ako ni Joseff. Bumagsak ang balikat ko. His naughty smile is there, and I know that among the seven of them he is the most playful and naughty one. It's like he was born to mock everybody.

"CK, have some manners, hindi ka manlang bumati," ngisi niya na sinundan naman ng pang-aasar ng iba pang members.

Pinigilan ko ang sarili kong tingnan ang reaksyon ni CK, pero nagulat ako nang lumapit nga siya, with his hands in his pocket, wearing a meaningful smile. Even though he's wearing eye glasses, I still can see his eyes behind it. Nandoon pa rin ang mga mata niyang nangungusap. I used to stare with those all the time, kaya siguro iyon ang pinaka nakuha ni Kendall sa kaniya, dahil iyon ang lagi kong iniisip noong ipinagbubuntis ko pa siya. His chinito black eyes.

"Hi, Nikola. It's been a while."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko o magiging reaksyon. He's acting now as if we should be okay seeing each other again after all those years have passed, should I act the same?

"Who is she? Don't tell me you have a child? Are you married?"

Napalingon ako sa may looban ng bahay nang marinig ko ang naguguluhan at magkakasunod na tanong ni Jackson. Naramdaman ko naman ang panlalaki ng mga mata ko nang maalala ko si Kendall. Iniwan ko nga pala siya kay Shannon habang natutulog sa sofa. Shit! Siguradong nakita na siya ni Jackson.

Nagmamadaling tumakbo ako sa loob, narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi ko sila pinansin. Nang makarating ako sa may p***o ay nakita ko kaagad ang naguguluhan na si Jackson, nakatayo siya sa may gilid ng wheelchair ni Shannon. Mula kay Jackson ay lumipat ang mga tingin niya sa akin ni Shannon, bahagyang umiiling at tila nanghihingi ng saklolo. She could easily tell him that Kendall isn't hers, but I know she won't say it without me.

"Wow Shannon, she's cute, how old is she?" komento at tanong ni Xavier na nasa likod ko. Hindi ko namalayang sumunod na pala sila sa akin.

"Mommy?" antok na bulalas ni Kendall nang mukhang nagsing na siya dahil sa mga ingay. Hinanap ako ng paningin niya at nang makita ako ay nagkukusot ng matang bumaba siya at lumapit sa akin sabay yakap sa hita ko.

"Mommy let's go home, please," sa maliit at mahinang sabi ni Kendall.

"She's yours?" gulat na bulalas ni Jackson saka lumagpas ang tingin sa akin, somehow ay alam kong ang best friend niyang si Calvin ang tiningnan niya.

Otomatiko kong nilingon si Calvin. Everyone is looking at me, except him. Tila napako ang mga mata niya kay Kendall, gulat at hindi makapagsalita.

"Calvin..."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Dapat ko bang itanggi o aminin na lang?

Ang lahat ng dahilan ng pagdadalawang-isip ko ay tila tinangay na ng malamig na hangin, nang dahan-dahan niyang itinaas ang tingin sa akin. At tila nabasag ang puso ko nang makita ko ang halo-halong emosyon sa kaniyang mga mata.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Secret Daddy   Chapter 2: "Not anymore..." (pt2)

    Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago pa ito tuluyang dumaloy habang pinagmamasdan ang anak kong mahimbing nang natutulog. Ilang taon kong pinilit alisin sa isipan ko ang mga pangyayaring iyon. Nang isilang ko si Kendall ay pinilit kong kalimutan ang hinanakit ko kay Calvin, dahil ayokong mabahiran ng pait ang pagmamahal ko sa anak ko. Isa pa, sa kabila naman ng mga nangyari ay minahal ko pa rin siya. Kaya nga kahit hiwalay na kami nang malaman kong buntis ako, prinotektahan ko pa rin si Calvin mula kina papa. Alam kong kung malalaman nila na ang sikat na si CK ang ama ng anak ko ay eeskandaluhin nila ito, at maari iyon makaapekto sa career niya at ng buong grupo, at maari din makaapekto sa bago nilang kontrata sa America. Kaya oo, tanga na kung tanga, kahit masakit pa ay ayoko pa rin na masira ang mga pangarap niya, kahit iyon ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Siniguro kong maayos na ang pagkakahiga at kumot at unan ni Kendall bago ko siya iniwanan sa kama. Mabagal an

  • The Secret Daddy   Chapter 2: "Not anymore..." (pt1)

    Excited na pumasok ako sa condo ng boyfriend kong si Calvin. Sabik na sabik na akong makita uli siya dahil isang linggo siyang nasa LA para sa project nila ng grupo niya. Si Calvin Kiel Valerio o mas kilala sa screen name na CK ay member ng sikat na boy band sa bansa. Ang 7Ways. He started his solo career at age of sixteen as an actor, pero nakitaan siya ng talento sa pagkanta at pagsayaw ng management niya, kaya naman madalas siyang mag-prod sa iba't ibang show. Until he and his friends decided to form a boy group where day can perform together on the stage. Hindi kaagad kinagat ng mga Pinoy fans ang kanilang plano dahil satisfied na ang mga ito sa kani-kanilang solo career, pero hindi sila sumuko. So just to he recognize as the group, they decided to audition for a singing competition in America as a group. And they won. Mula noon ay umingay na ang pangalan nila bilang 7Ways, hindi lang sa Pilipinas pero pati sa ibang bansa. That was 3 years ago, at tatlong taon na rin silang paba

  • The Secret Daddy   Chapter 1: "She's yours..."

    "Look Mommy, I wrote a letter for Auntie Shan," sa magiliw na boses na pagmamalaki sa akin ng anak ko. Binalingan ko siya matapos kong mag-apply ng lipstick sa aking labi. Kinuha ko ang colored paper na hawak niya at tiningnan. She draw a girl sitting on a chair, beside her is a little girl who's holding a flower, and with capital letters of I love you Auntie Shan. Natutuwang hinaplos ko ang pisngi niya."Ang sweet naman ng Baby Kenny ko. Pa-kiss nga." Excited naman siyang yumakap sa batok ko at hinalikan ako sa pisngi ko. Kendall is only 4 years old but she's smart enough to know how to show affection. She's the sweetest little girl I've ever met. I had her when I was young, twenty years old. Hindi madali ang pagiging ina lalo na't mag-isa lang ako. I am a single mother. Hindi naging madali para sa mga magulang ko ang tanggapin ang pagbubuntis ko, para sa kanila ay kahihiyan ito sa pamilya, isa pa ay gusto nilang makapagtapos muna ako ng pag-aaral at maging Civil Engineering bago m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status