Home / Romance / The Secret Daddy / Chapter 2: "Not anymore..." (pt1)

Share

Chapter 2: "Not anymore..." (pt1)

Author: Serene Writes
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-18 21:32:55

Excited na pumasok ako sa condo ng boyfriend kong si Calvin. Sabik na sabik na akong makita uli siya dahil isang linggo siyang nasa LA para sa project nila ng grupo niya. Si Calvin Kiel Valerio o mas kilala sa screen name na CK ay member ng sikat na boy band sa bansa. Ang 7Ways. He started his solo career at age of sixteen as an actor, pero nakitaan siya ng talento sa pagkanta at pagsayaw ng management niya, kaya naman madalas siyang mag-prod sa iba't ibang show. Until he and his friends decided to  form a boy group where day can perform together on the stage.

Hindi kaagad kinagat ng mga Pinoy fans ang kanilang plano dahil satisfied na ang mga ito sa kani-kanilang solo career, pero hindi sila sumuko. So just to he recognize as the group, they decided to audition for a singing competition in America as a group. And they won. Mula noon ay umingay na ang pangalan nila bilang 7Ways, hindi lang sa Pilipinas pero pati sa ibang bansa. That was 3 years ago, at tatlong taon na rin silang pabalik-balik ng Pilipinas at America para sa iba't iba nilang proyekto bilang grupo.

Nang mga panahon na iyon ay isa pa lang akong tagahanga at kaibigan. I met him through my best friend, Shannon. Kababata ni Shannon ang isa sa members ng 7Ways na si Jackson, pero bihira lang silang magkita dahil noon pa man ay sobrang sikat na ni Jackson. Isang beses ay inimbitahan siya ni Jackson sa isang private gathering, at dahil sa kondisyon ni Shannon na pinanganak nang hindi nakakalakad ay ayaw siyang payagan nang magulang niya. She asked me to back her up, at dahil kilala ako at may tiwala sa akin ang magulang niya ay pinayagan siya basta kasama ako.

Doon ko nakilala si Calvin at ang buong members. Nagulat na lang ako nang magpaalam sa akin si Shannon kung puwede raw niyang ibigay ang number ko dahil may nanghihinging isa sa magkakaibigan. Pumayag naman ako dahil number lang naman. That time ay hindi ko rin naman in-entertain si Calvin dahil bawal pa, magagalit sa akin ang mga magulang ko. Pero naging consistent siya sa pag-contact  sa akin. Lagi niya akong iniimbitahan na pumunta sa gig iya, solo or group activities man. Well, hindi ko naman tinatanggap dahil focus ako sa school, pero nag-summer break kaya naman nagkaroon ako ng oras para mag-reply sa kaniya. Hanggang sa naging interesado na rin ako sa kaniya, kaya tinanggap ko ang imbitasyon. Pero sa pagkakataon na iyon ay si Shannon naman ang ginamit ko para payagan ako na umalis ng bahay. Pinayagan naman ako hindi nga lang alam ng magulang ko na mga lalaki ang makakasama namin. Ang alam nila at nagfa-fangirling lang kami ni Shannon kaya kami pumupunta sa mga live event. Hindi pa ganoon kasikat ang 7Ways bilang grupo noon, kaya walang kaalam-alam ang magulang ko, ang akala nila ang mga sikat na loveteams ang pinupuntahan namin.

I was there when the 7Ways are starting. Nasaksihan ko kung gaano sila kadeterminado na bumuo ng career nang magkakasama. I was just 17 that time and Calvin is 19. Nang mga panahon na iyon ay para nang kami pero wala pang label. Alam niya kasing hindi pa ako handa sa relasyon, at hindi niya rin naman pinilit dahil underage pa ako, pero nagpatuloy siya sa panliligaw sa akin. Hanggang sa nagpasya silang sumali sa singing competition sa America. The show runs for 2 months, I was turning 18 when they left.

To be honest, sa mga panahon na iyon ay pinagsisihan kong hindi ko pa siya sinagot. Iniisip ko kasi noon na baka hindi na siya bumalik, o 'di kaya ay makahanap siya ng iba sa America. Lumipas ang birthday ko ay wala pa rin siya, hanggang sa nanalo sila sa competition. Dahil sa sunod-sunod na guesting ay hindi kaagad sila nakauwi.

Isang araw ay nagulat na lang ako nang akala ko ay sasamahan ko lang si Shannon sa office ng isang publishing company, pero nagulat ako nang isa palang surprise birthday party ang hinanda ng grupo para sa akin, sa kanilang condo. Doon ay wala nang isip-isip, nang nakita ko si Calvin ay tumakbo kaagad ako sa kaniya at basta ko na lang siyang hinalikan. Everyone was shock, except him. At that moment I already know, he came home for me.

Ang mga pagkakataon na iyon ang parati kong inaalala sa tuwing umaalis siya ng bansa. Alam kong umuuwi siya para sa akin, para sa aming dalawa. Kaya naman tuwing umuuwi siya ay dumideretso ako sa condo niya para salubungin siya ng yakap at halik. I have a copy of the keys so it's either he's surprising me or I'm surprising him.

Pagkabukas pagkabukas ko pa lang ng p***o ay nakita ko kaagad siyang nakaupo sa sofa. Nakayuko siya habamg magkasalikop ang mga kamao niya. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero dama ko na kaagad ang bigat na dinadala niya.

"Calvin?"

Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng balikat niya, tila nagulat siya sa presensya ko. Ganoon kalalim ang iniisip niya, hindi niya napansin ang pagpasok ko. He slowly raised his head to meet my gaze. I saw a lot of emotions in his eyes which I can't name. Nag-aalalang nilapitan ko siya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa may pisngi.

"What's wrong?"

Hindi siya ganito sa tuwing umuuwi siya. Madalas ay makitaan man siya ng pagod ay kitang-kita pa rin sa kaniya na masaya siya sa mga ginawa niyang proyekto.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya at hinalikan iyon. Hindi niya iyon inalis at pinakiramdaman sa pisngi niya habang binibigyan ako ng pilit na ngiti, ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. My heart hurts just by seeing him in pain, and what's hurts me more is that I don't know why. How can I help him then?

"I missed you," he whispered gently.

"Me too," I said softly. "But what happened? Are you okay? May nangyari bang hindi maganda?"

Umiling siya. Binaba niya ang kamay ko ngunit hindi niya iyon binitiwan.

"It's good. We're being recognized by everyone, fans, communities, companies. We actually got an offer from a company, they wish to manage us and focus our there."

Sa kabila ng lungkot na nadarama ko mula sa kaniya ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ito na ang matagal nilang pinapangarap na magkakaibigan, ang makilala bilang 7Ways, hindi lang ng isang bansa pero ng buong mundo.

"Wow, congratulations. It's a good thing right?" Hindi siya sumagot at nag-iwas lang ng tingin. "Please tell me what's happening, nag-aalala na ako sa 'yo."

Magaan niyang pinisil ang kamay ko saka bumuntong-hininga. "They doesn't want any of us to be in a relationship."

Napabitaw ako sa kamay niya ngunit hindi pa rin niya pinakawalan ang kamay ko. Bahagya akong umiling.

"Kahit sa management mo rin naman dito, 'di ba? Okay pa rin naman ako sa setup natin. We don't have to be public, so it's okay."

Pinilit kong ngumiti kahit nakakaramdam na ako ng kirot sa puso ko. Sekreto lang ang relasyon namin ni Calvin, hindi lang sa pamilya ko kundi pati sa publiko. Tanging ang members lang at manager nila ang nakakaalam ng tungkol sa akin. Bukod kasi sa loveteams ay karaniwang fans ay ayaw na maging taken ang iniidolo nila. Nabo-bored sila sa pagsuporta, puwera na lang kung ang magiging karelasyon nila ay sa showbiz din, 'yong magfa-fan service sila para kiligin ang mga fans. Unfortunately, hindi naman ako artista, kahit sa social media ay hindi ako kilala. Kaya tingin ng manager nila ay hindi magugustuhan ng mga fans ang idea na may girlfriend na siya. Pumayag din naman ako sa setup namin, tutal alam ko rin naman na hindi papayag ang mga magulang ko.

We have never dated in a public place, minsan para masama nila ako sa mga lakad nila ay nagde-dress up ako nang kagaya ng sa mga crew o 7 Ways team. Most of all ay nasa condo niya lang kami, minsan ay sa hotel kung gusto niyang maging romantic. Inaamin ko na minsan malungkot, dahil hindi naman dapat ganito ang relasyon, 'di ba? Pero mahal ko siya kaya tinanggap ko iyon. Being with him was enough.

"This is different, we have to sign the contract."

Pilit ko nang binawi ang kamay ko at tumayo. Bahagya akong lumayo sa kaniya at tumalikod. Ayokong ipakita sa kaniya ang frustration ko sa mga sinasabi niya. Hindi madaling maging girlfriend niya, pero kahit kailan ay hindi ako nagreklamo. Kahit nasasaktan o nahihirapan na ako, hindi ko pa rin iyon pinakikita.

Muli ko siyang hinarap. Sinusubukan kong kumalma. Nakatingin lang siya sa akin pero nanatili siya sa pagkakaupo.

"Then don't sign! Sikat na kayo, may career na kayo sa Pilipinas, kaya ninyo pa rin makakuha ng project abroad, baka nga marami pang company ang gustong mag-offer sa inyo, e. You guys don't need them. Just don't sign!"

Unting-bumaba ang mga tingin niya. He couldn't look in my eyes. "I can't."

Mapait na suminghap ako. "Anong 'I can't? Calvin naman, girlfriend mo ako pero kahit kailan ba narinig mo akong nag-complain sa relasyon natin? Wala akong ibang ginawa kundi suportahan ka at tanggapin kung ano lang ang kaya mong ibigay. Dalawang taon na tayo pero ngayon lang ako hihiling sa 'yo na ako muna ang isipin at piliin mo, na 'wag mo naman isakripisyon lahat ng meron tayo para sa career at pangarap mo. Tapos ang isasagot mo lang sa akin, 'I can't?"

Nakita ko ang pagdaloy ng mga luha niya. "Nikola, I'm sorry."

Bahagya akong natigilan kasabay nang tuluyang pagpatak ng maiinit kong mga luha. He don't need to say anything, all emotions are written all over his eyes.

"You already signed, don't you?" Yumuko siya at hindi na nakapagsalita. Humikbi ako at mariing umiling. "Pagod na ako, Calvin. I don't deserve any of these. I'm done with all of your selfishness. We're over."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Secret Daddy   Chapter 2: "Not anymore..." (pt2)

    Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago pa ito tuluyang dumaloy habang pinagmamasdan ang anak kong mahimbing nang natutulog. Ilang taon kong pinilit alisin sa isipan ko ang mga pangyayaring iyon. Nang isilang ko si Kendall ay pinilit kong kalimutan ang hinanakit ko kay Calvin, dahil ayokong mabahiran ng pait ang pagmamahal ko sa anak ko. Isa pa, sa kabila naman ng mga nangyari ay minahal ko pa rin siya. Kaya nga kahit hiwalay na kami nang malaman kong buntis ako, prinotektahan ko pa rin si Calvin mula kina papa. Alam kong kung malalaman nila na ang sikat na si CK ang ama ng anak ko ay eeskandaluhin nila ito, at maari iyon makaapekto sa career niya at ng buong grupo, at maari din makaapekto sa bago nilang kontrata sa America. Kaya oo, tanga na kung tanga, kahit masakit pa ay ayoko pa rin na masira ang mga pangarap niya, kahit iyon ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Siniguro kong maayos na ang pagkakahiga at kumot at unan ni Kendall bago ko siya iniwanan sa kama. Mabagal an

  • The Secret Daddy   Chapter 2: "Not anymore..." (pt1)

    Excited na pumasok ako sa condo ng boyfriend kong si Calvin. Sabik na sabik na akong makita uli siya dahil isang linggo siyang nasa LA para sa project nila ng grupo niya. Si Calvin Kiel Valerio o mas kilala sa screen name na CK ay member ng sikat na boy band sa bansa. Ang 7Ways. He started his solo career at age of sixteen as an actor, pero nakitaan siya ng talento sa pagkanta at pagsayaw ng management niya, kaya naman madalas siyang mag-prod sa iba't ibang show. Until he and his friends decided to form a boy group where day can perform together on the stage. Hindi kaagad kinagat ng mga Pinoy fans ang kanilang plano dahil satisfied na ang mga ito sa kani-kanilang solo career, pero hindi sila sumuko. So just to he recognize as the group, they decided to audition for a singing competition in America as a group. And they won. Mula noon ay umingay na ang pangalan nila bilang 7Ways, hindi lang sa Pilipinas pero pati sa ibang bansa. That was 3 years ago, at tatlong taon na rin silang paba

  • The Secret Daddy   Chapter 1: "She's yours..."

    "Look Mommy, I wrote a letter for Auntie Shan," sa magiliw na boses na pagmamalaki sa akin ng anak ko. Binalingan ko siya matapos kong mag-apply ng lipstick sa aking labi. Kinuha ko ang colored paper na hawak niya at tiningnan. She draw a girl sitting on a chair, beside her is a little girl who's holding a flower, and with capital letters of I love you Auntie Shan. Natutuwang hinaplos ko ang pisngi niya."Ang sweet naman ng Baby Kenny ko. Pa-kiss nga." Excited naman siyang yumakap sa batok ko at hinalikan ako sa pisngi ko. Kendall is only 4 years old but she's smart enough to know how to show affection. She's the sweetest little girl I've ever met. I had her when I was young, twenty years old. Hindi madali ang pagiging ina lalo na't mag-isa lang ako. I am a single mother. Hindi naging madali para sa mga magulang ko ang tanggapin ang pagbubuntis ko, para sa kanila ay kahihiyan ito sa pamilya, isa pa ay gusto nilang makapagtapos muna ako ng pag-aaral at maging Civil Engineering bago m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status