Maxine Therese Lacuesta's POV“Are you sure about this, Maxine?”Napatingin ako kay Bianca, ang head coordinator ng Lacuesta Atelier Events, habang inaayos niya ang mga dokumentong nakalagay sa folder na dala namin. Pangatlong beses na niyang tinatanong iyon simula nang makarating kami sa Valmonte Grand Hotels, at pangatlong beses ko na rin siyang binigyan ng parehong sagot.“Yes. Why wouldn't I be?”“Because we're about to present our proposal to Lorenzo Maddox Valmonte. Alam mo naman kung gaano ka-strict ang taong iyon pagdating sa business.”Napangiti ako nang bahagya. “Hindi naman ako pupunta rito para makipag-date sa kaniya, Bianca. I’m here to present a business proposal.”“That's exactly what I'm worried about. Baka hindi pa tayo makalabas dito, may bago ka nang kaaway.”Napailing ako sa sinabi niya. Hindi ko naman ugaling makipag-away sa mga kliyente, pero hindi rin ako iyong tipong basta na lang sasang-ayon sa lahat para lang makakuha ng kontrata. Ilang taon kong pinaghirapan
Last Updated : 2026-11-23 Read more