Celestine Zobel's POVHindi ko akalaing babalik pa ako sa lugar kung saan minsan akong naging bahagi ng pamilya Aragon.Three years ago, dito ginanap ang engagement party namin ni Lorenzo. Two years ago, dito rin ipinagdiwang ang unang wedding anniversary namin. At ngayon, dalawang buwan matapos ang divorce namin, bumalik ako sa parehong ballroom para dumalo sa ika-limampung anniversary celebration ng Aragon International Holdings.Ironic, isn't it?Kung tutuusin, puwede naman akong hindi pumunta. Wala na akong obligasyong magpakita sa kahit sinong miyembro ng pamilyang iyon. Pero may dahilan ako kung bakit tinanggap ko ang invitation, at hindi iyon dahil gusto kong makita ang dati kong asawa.I needed to settle something with the chairman of the company."Ma'am, nandito na po tayo."Napatingin ako sa driver nang buksan niya ang pinto ng sasakyan. Inayos ko ang suot kong black evening gown bago tuluyang bumaba. Simple lang ang design nito, pero bagay ang fit sa katawan ko. Hindi rin a
Last Updated : 2026-11-27 Read more