Share

Chapter 3

"HUWAG ka maingay na ako si Hannah Lindsey. Dati akong actress pero kanina lang nag quit na ako." Humagikhik pa si Hannah. Iyon lang at hinawakan na niya ang doorknob ng pinto. Nahirapan pa siyang buksan ito kaya inis na kinalampag niya ang pinto. "Open the door!"

"Let me." Narinig niya ang bruskong boses ng lalake na akala niya ay walang balak mag salita. Bahagya siya nitong iniurong at ito na nga ang nag bukas ng pinto. 

"Thank you!" Dala siguro ng alak na nainom niya kaya nawalan na siya ng hiya sa sarili. Yumuko pa siya ng bahagya sa lalaking kaharap na mukhang sindilim na ng gabi ang ekspresyon ng mukha. "Buti ka pa, gentleman. Ang manloloko ko na boyfriend, gusto na siya lagi ang pinag sisilbihan. Hindi ko lang napagbigyan sa gusto niya, ayon! nag hanap agad ng iba na makakasama niya sa kama!"

Wala ng preno ang bibig ni Hannah, umiiling pa ang ulo na pumasok na siya sa cubicle. Hindi na niya nakita ang pag tiim bagang nang lalaking kaharap.

HINDI agad bumalik sa table nila si Duwayne. Nag hanap siya ng matataguan, hindi niya alam pero nakaramdam siya ng pag-aalala sa babaeng mukhang lasing na. Kung tutuusin wala naman siyang pakialam kay Hannah Lindsey, may atraso pa sa kanya ang nobyo nito.

"Hi! pogi. Mukhang naliligaw ka yata, gusto mo ba sumayaw?" Idinantay ng babae ang mga kamay sa magkabilang balikat niya. Pinagmasdan niya ang mukha nito, maganda at sexy ang babae at mukhang bata ng ilang taon sa kanya. "My name is Brianna!"

Hindi pinansin ni Duwayne ang babae na nag pakilalang Brianna. Kanda haba ang leeg niya sa pagtingin sa cubicle. Nakita niya ang paglabas ni Hannah na nakasapo sa noo nito ang isang kamay. Mabagal ang paghakbang nito, na parang pilit na pilit para huwag lang mahalatang lasing.

"Excuse me!" Inalis ni Duwayne ang mga kamay ng babae. Iniwan niya ito na nakataas ang isang kilay.

Lumapit si Duwayne sa cubicle pero nag tago naman siya sa isang umpok ng mga teenager. Nakita niyang binaybay ng babae ang daan palabas ng club, kaya sinundan niya ito. Nag alala siya para dito lalo na at nakainom, baka may halang ang kaluluwa at may gawin na masama dito. Nakita ni Duwayne ang ilang mga kalalakihan na sinusundan ng tingin ang nag lalakad na si Hannah, kaya minabuti na niyang mas lumapit pa dito. Sa parking area ito dumiretso.

AGAD na hinanap ni Hannah ang remote key ng kanyang kotse, may kadiliman sa parking area kaya hirap siyang makita ang susi.  Napapapiksi pa siya kapag natutusok ang daliri niya ng mga matutulis na bagay sa loob ng kanyang shoulder bag.

"There you are!" Tukoy niya sa remote car key ng mahawakan ito. Itinapat iyon ni Hannah sa kotse, pero hindi niya narinig ang alarm car nito.

Pumaikot si Duwayne sa kabilang bahagi ng kotse, kung saan nakatapat ang babae. Siya ang may-ari ng kotse. Pinagmasdan niya ito habang panay ang pindot nito sa remote car key.

"Bakit ayaw mo mag-ingay 'baby Rusty'? It's me, your mommy Hannah." Kausap niya ang kotse. Lumapit siya dito at pilit binubuksan ang pinto. "Pati ba naman ikaw, hindi mo na din ako love? Okay, i'm sorry! pareho lang naman tayo hindi sanay pumunta sa maingay na lugar na ito. Pero masama ba na mag enjoy ako kahit man lang ngayong gabi para makalimot?! Sobrang nasaktan ako Rusty, akalain mo 'yon, three years na kami na mag kasintahan ng daddy Froilan mo. Pero ano? pinag palit niya ako doon sa malanding si Maricar Suncio. Alam mo naman ang mommy Hannah mo, dalagang filipina ito! kaya hindi ko ibinigay ang sarili ko sa daddy mo, dahil gusto ko kasal muna. Mali ba ako ha, Rusty? dapat ba pumayag ako sa gusto niya para lang hindi siya nag pakamot sa iba?"

Sumandal si Hannah sa hood ng kotse.

"Tama ang ginawa mo." Sagot ni Duwayne. Sabay yuko.

Lumayo si Hannah sa hood ng kotse ng may marinig na may sumagot sa kanya. "Lasing na nga ako, narinig kitang sumagot Rusty."

Narinig pa ni Duwayne ang mahinang tawa ng babae. Nang muli niya itong tignan, agad niyang napansin ang isang matipunong lalaki na tila papunta sa kinaroroonan nito. Mabilis na dinukot niya sa bulsa ng suot niyang maong pants ang remote key ng kanyang kotse. Narinig pa niya ang pag hiyaw sa tuwa ni Hannah ng mabuksan nito ang pinto ng kotse. Bago pa ito malapitan ng lalaki ay nakapasok na ng kanyang kotse ang babae, siya naman ay sinadyang mag pakita sa estrangherong lalaki.

"Sorry," hinging depensa pa nang lalaki ng makita siya. Nag kunwari siyang bubuksan ang pinto ng kanyang kotse. Tumango lang siya dito at nag lakad na ito palayo sa kanyang kotse. Bumalik ito sa loob ng club.

Bahagyang binuksan ni Duwayne ang pinto. Nakita niya si Hannah na nakaupo at parang may balak pa na matulog. Napabuntong hininga siya. Ilang minuto din siyang naging guwardiya nang babae sa labas ng kanyang kotse.

Nang mangalay sa pagtayo ang kanyang mga binti ay pumasok na din siya sa loob ng kotse. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang magandang mukha ng babae, hanggang sa mapadako ang paningin niya sa mga labi nito na bahagyang nakaawang. Napakagat labi si Duwayne, naalala niya ang araw na mahuli nila ng babaeng ito ang mga panloloko ng kanilang mga kasintahan. Sa sobrang galit niya sa nobyo nito ay nagawa niya itong halikan sa labi. Alam naman niyang balewala lang ang halik na iyon sa babae dahil artista ito at malamang maraming labi na ang nakahalik sa labi nito.

SA loob naman ng club ay hindi na magkamayaw sa paghahanap ang mga kaibigan ni Hannah dito.

"Setti naman, bakit hinayaan mo na umalis mag isa 'yon?" Napasapo pa sa kanyang noo si Monica, biglang nawala ang pagkalasing nito. "Baka mamaya kung mapaano na ang kaibigan natin, medyo lasing na pa naman iyon."

"Nag paalam lang siya saakin na gagamit ng powder room. Tapos, nang medyo natagalan na siya, agad ko na siyang sinilip sa cubicle pero wala na siya roon." Sagot ni Settie na bakas na ang pag aalala sa mukha.

"Tawagan mo kaya, baka mamaya nag biyahe na iyon pauwi. Naku, delikado at nakainom pa naman siya!" Mungkahi naman ni Veronica.

Lumabas nga ng club ang tatlong mag kakaibigan. Agad naman na hinanap ni Setti sa contact list ng cellphone niya ang number ni Hannah.

"Ano, sumagot na ba si Hannah?" panabay pa na tanong nina Veronica at Monica.

"Wait lang!" Ani Setti. "Tatawagan ko pa lang."

Napaigtad si Duwayne, nang marinig ang tunog na nag mumula sa cellphone sa loob ng shoulder bag ni Hannah.

"Hmmmm..." Ungol ni Hannah ng marinig ang pamilyar na ringtone ng cellphone niya.

Maingat na lumabas naman si Duwayne sa kotse sa takot na makita siya ng babae, kahit wala naman siyang ginawa dito. Pigil pa niya ang mapahiyaw sa sakit ng bahagyang maipit ang dalawang daliri niya ng pinto nang kotse.

Namumungay pa ang mga mata na dinukot ni Hannah sa loob ng kanyang shoulder bag ang  cellphone niya.

Setti is calling....

"Setti, bakit?" Agad niyang tanong sa kaibigan. Muling ipinikit niya ang mga mata.

"Anong bakit?!" Naidilat niya ang isang mata dahil sa lakas ng tono ng boses ng kaibigan. "Nasaan ka ba? kanina ka pa namin hinahanap. Nag aalala na kami sayo!"

"Nag pahinga lang ako Setti." Sagot niya na humihikab pa. "Nandito ako sa kotse ko, nakatulog ako bago ka pa tumawag."

"Anong kotse?" tanong pa nito sa kanya.

"Kotse, my car!" dismayadong sagot niya.

"Hoy! babae, hindi mo dala ang kotse mo. Nakalimutan mo na ba, kotse ni Veronica ang ginamit natin papunta dito sa club?"

Biglang dilat ng dalawang mga mata niya si Hannah. Bigla siyang nahimasmasan, dahil sa sinabi ng kaibigan. Biglang naitakip niya ang isang kamay sa tapat ng kanyang bibig. Kung hindi niya pagmamay-ari ang kotseng tinulugan niya, kaninong kotse ito? Inilibot niya ang paningin sa loob ng kotse at kahit siya, masasabi niyang hindi nga kanya ang kotse.

"Oh my god...." Paanas niyang sabi. Nakakahiya ang ginawa niya, pumasok siya sa kotse ng hindi naman sa kanya. Paano nalang kung naabutan siya ng may-ari ng kotse na 'yon? "Oh no!"

"Oh yes!" Sagot ni Setti. Narinig nito ang mahinang bulong niya. "Lumabas ka na sa kotseng 'yan bago ka pa maabutan ng totoong may-ari niyan. Ikaw talaga Hannah, ipapahamak mo pa ang sarili mo!"

Hindi na niya pinansin ang panenermon sa kanya ni Setti. Mabilis na bumaba siya ng kotse.

"Sorry! sorry! sorry!" Ipinag dikit pa ni Hannah ang mga palad na para ba'ng nag dadasal siya. Kinausap niya ang kotse. "Huwag mo akong isusumbong sa amo mo ha?"

Umalis si Hannah sa parking area, pero itinakip naman niya ang shoulder bag niya sa tapat ng kanyang mukha.

Nasundan naman ng tingin ni Duwayne ang papalayong si Hannah. Lihim itong natatawa. Mukhang sanay na sanay ang babae na kausapin ang kotse.

"Nasaan kayo?" Tanong niya kay Setti.

"Nasa bungad kami ng club. Hintayin nalang natin si kuya Santino parating na 'yon. Uuwi na tayo." Sagot naman nito.

Agad naman niyang nakita ang tatlong kaibigan. Nilapitan niya ang mga ito kahit na nga parang gusot na papel ang pagmumukha ng mga ito.

"Sorry girls," pinalungkot niya ang tono ng boses. Sobrang na guilty din naman siya, dahil alam niyang nag alala ang mga ito sa kanya. "Nahilo kasi ako kanina, tapos 'yon. Akala ko, kotse ko ang tinulugan ko. Hindi pala!"

Napapangiwi siya habang nag sasalita.

"Naku, pasalamat ka na lang at wala sa loob ng kotse na 'yon ang may-ari nito." Pumapalatak na wika ni Veronica.

"Buti kung 'yon lang." Singit ni Monica. "Paano kung masamang tao pala ang may-ari ng kotseng 'yon? Magugulat na lang kami kinabukasan, may masamang balita na sa telebisyon, radyo at social media."

"Anong balita? Na kinarnap ko ang kotse na 'yon?" Bigla siyang kinabahan.

"Hindi ganun." Si Setti ang sumagot. "Na may isang actress na fil-am ang natagpuan na sugatan. Baka nga mas malala pa doon!"

"Grabe naman kayo mag isip." Aniya. Pero lihim siyang nag papasalamat na walang masamang nangyari sa kanya. Nag sign of the cross pa nga siya.

"Nasaan na ang salamin mo sa mata? Isuot mo at baka may makakilala sayo dito." Pabulong na sabi sa kanya ni Monica.

Mabilis na hinanap niya sa loob ng kanyang shoulder ang salamin na ginamit niya kanina, pero wala iyon doon. Napapiksi siya. "Wala sa loob ng bag ko, baka naiwan ko sa loob ng kotse na pinasok ko kanina."

"Naku, ikaw talaga Hannah. Nag kalat ka pa." Ani Setti. "Wala ba naka indicate na pangalan mo, sa salamin na 'yon?"

"Meron," kagat labi na sagot niya.

"Lagot na!" panabay na sambit ng tatlo niyang kaibigan.

"Tara balikan natin ang kotse, baka wala pa ang may-ari no'n," mungkahi ni Monica.

"Oo nga, tara puntahan natin. Mahirap na at baka bukas laman na ng balita itong si Hannah." Sang-ayon naman ni Setti.

Isinama nga niya ang mga kaibigan sa parking area kung saan naroon ang kotse. Pero, bago pa sila makalapit sa kotse ay umandar na iyon, tinaman pa nga sila ng head light nito.

"Wait lang!" sigaw ni Monica sa papalayong kotse.

"Hayaan na lang natin. Abangan nalang natin ang ibabalita sa telebisyon at radyo bukas tungkol sa akin." Malumanay niyang sabi. "Tutal, nag quit na ako bilang isang cast sa upcoming movie na 'Summer Love'. Ayoko na din muna tumanggap ng mga project."

"Dahil na naman ba kay Froilan?" tanong ni Setti. Kumibit balikat lang siya. "Girl, kapag nag quit ka sa showbiz, lalo ka pag tatawanan ni Froilan at baka nga pati ng malandi na si Maricar Suncio na 'yon."

"Tama si Setti, huwag ka masyadong paapekto sa nangyaring break-up ninyo ni Froilan. Ipakita mo sa kanila na matapang ka. Sila nga ang dapat mahiya sayo, dahil nahuli mo sila na mag kasama sa loob ng isang kuwarto." Segunda naman ni Veronica.

"Yes! and take note, hindi lang basta magkasama."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
cat_wittymaggi
i remembered steffi, in my love from the star when she talked the carūüėĀūüėĀ
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status