Share

UNANG KABANATA

Huli

“Kane”

“Kane!”

“Kane! Sandali lang! Kausapin mo naman ako.” Ani niya ng may halong pasigaw. 

Bahala ka sa buhay mo! Ang kapal ng mukha niya. Yesterday, He confessed his feelings for me. May pa gusto kita matagal na, tapos malalaman ko may girlfriend naman pala si kupal. Grrr. Badtrip! Binilisan ko ang lakad at hindi na siya nilingon pa kahit i know na nasa likod ko lang siya. Epal na asungot ‘to.

“Kane, makinig ka naman! Kung ano man ‘yung nalaman mo sa amin ni Anne.. wala lang iyon, friends lang talaga kami. Cross my heart.” Nang 'di na ako nakatiis hinarap ko siya, nagulat yata kase biglang umatras ‘yung isa niyang paa. Scared? Tsk. So, Anne pala name niya? Hindi Girlfriend? pero sinabi ng tropa niya na Girlfriend niya daw ‘yon tapos pa iba-iba siya kada week. Ano iyon? Punda ng unan at kumot na dapat pinapalitan kada week? Kina gwapo niya ba iyon?!

“Look! kung ano man yang excuses mo bahala kana. Epal ka! Siguro gusto mo dalawa-dalawa babae mo, ‘no? Ano?” Baka gusto niya dalawa kami nang Anne na ipagsabay. Aba! Mabuti nang maliwanag. 

“Whoaah! Babe, Calm down! Wala akong baba-“ Agad namula ang pisnge ko at alam kong nakita niya iyon kaya bago pa niya ako maasar hinablot ko na ang bag at pinagpapalo siya. Tawa ng tawa ang epal na si Adrian, hindi iniinda ang bawat pagpalo ko ng bag sa kaniya.

“Anong B-babe?” Ang kapal mukha ng ulupong na 'to. Epal!

He raise his both hand like a sign of surrender. Kagat ang pangibabang labi at halatang nagpipigil ng ngiti.

Tinalikuran ko ulit siya at nagpasiya nang ituloy ang paglalakad. Pero, Masyadong makulit si Adrian kaya hanggang pag-uwi yata ng bahay gustong magpaliwanag.

“ Eto naman practice lang. Chill! First, Yung kay Anne niloloko ka lang ni Chico. Nakita niya kasi na tinulungan ko yung tao na magbuhat ng pinamili niya hanggang bahay kaya akala niya girlfriend ko yung tao. Second, Babe naman! Di ba nga sabi ko Gusto ko kita. Ano ba! Totoo pagmamahal ko sayo, mamatay man iyong alaga ni Aling Mira na kuting.” Napatawa naman ako. Idamay daw ba ang kuting ni Aling Mira. Tiyak na mayayari siya pag narinig yan.

Hindi ko na siya nilingon at tumuloy na lang sa paglalakad. Mag gagabi na. Tiyak na yari na naman ako kay nanay nito, marami kasing ginagawa sa paaralan. Ganito yata talaga pag malapit na ang pagsara ng klase, paspasan ang gawain. Kaliwa’t kanan ang mga submission.

Minutes of walking ay nakita ko na ang tapat ng aming bahay. Maliit lamang ito pero second floor, gawa sa bato ang baba pero ang taas ay gawa sa plywood. Karamihan ng bahay sa amin ay ganito ang ayos, mayroon din namang tagpi-tagping yero ang istilo ng bahay kaunti lang ang purong bato. Sa lugar namin mapapansin mo na magkakatabi ang mga bahay, Isang sunog lang na maganap magkakaroon na nang domino effects.

Nang nasa tapat na ako ng aming bahay nagpasiya na akong linungin si Adrian. Nagtama ang aming mata, Walang gustong magbaba. Adrian is indeed a good-looking man. Color brown ang mata, Pag tumatapat sa araw ay nagiging light, Masyadong malalim kung tumitig kaya aakalin mo na seryoso siyang tao.  Matapos ang ilong at mapula ang labi. Matangkad at moreno. Lalaking lalaki tingnan, Bumagay sa kanya.  Batak din ang katawan dahil sa pag di-deliver ng kanilang business na Mineral water.

“Sige na, dito na lang. Salamat. Bukas na lang tayo mag-usap. Makita ka pa ni mama, yare ka na naman sa kaniya.” Ayaw kasi ni Mama na nakikihalubilo ako kay Adrian, kaya pag nakikita niya Ito ay pinagsasabihan niya at pinapaalis. 

Tinaas niya lang ang kaniyang kilay at napanguso, may balak pa sanang sabihin pero nakita naming bumukas ang pinto at lumabas dun si mama.

“Pasok na, Kane.” Sabi niya sa malamig na boses.

“Una na ako, Drian.” Tumango lang siya bagamat seryoso ang itsura.

Hinintay ko lang siyang tumalikod bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang nakababata kong kapatid na babae na naka upo sa sofa habang nanunuod ng T.V. Dalawa lang kami, Ako 18 years old at siya naman ay 12 years old. Sa tabi niya ay ang aming tatay na humihilik pa at hula ko ay lasing na naman. Walang pinagbago, Araw-Araw laman ng inuman sa kalye.

“Kane, Magbihis kana at pagkatapos ayusin mo na ang lamesa para makakain na tayo.”

“Sige po, Nay.”

Tumaas na ako para magbihis. Dalawa lang ang kwarto sa second floor, Isa para sa amin ni Kiana at sa parents ko.

Binilisan ko na ang pagbibihis para makakain na kami. Pag baba ko ay sakto na luto na ang kanin, Mag lalagay na lang ng pagkain sa lamesa. Tiningnan ko ang lagayan ng ulam at napanguso. Daing na pusit at bulanglang ang ulam. Napabunting hininga ako sa nakita, Ito pa rin yung iniwan kong ulam kaninang tanghali.

“Wag kang magreklamo. Buti nga may makakain ka pa.”

Oo nga naman. Nakakahiya ang aking asta. Habang ang iba ay walang makain, ako ay ganito pa ang asta. 

Tinawag ko na si kiana na busangot ang mukha dahil ayaw pa yatang kumain dahil busy sa pinapanuod niyang programa. I rolled my eyes.  Bahala ka jan. Wala akong pake. Attitude ako. 

Umupo na kami at nag umpisa nang kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain, Nagchika si mama about sa nabuntis na 17 years na anak ng amo niyang babae. Nabarkada daw ang anak ng amo niya, dahil palaging busy ang magulang. Inuman kung saan-saan at uuwi madaling araw na. ‘Di alam ng magulang na ganito pala ang ginagawa ng anak nila dahil wala namang kahinahinala sa kilos ni girl. ‘Di nila talaga malalaman kasi malimit lang talaga silang umuwi at kamustahin ang anak.

“Kaya sinasabi ko sa’yo, Kane. Ayaw kong nakikipagbarkada ka. Tigilin mo na rin ang kapapansin diyan sa anak ni Alma. Kung nag nanliligaw, bastedin mo na. Nag-aaral ka pa, Ayaw ko mag boyfriend ka dahil mabubuntis ka lang at mapapariwara ang buhay mo.” Bahagyang namula ang Pisnge ko. 

Parents. Most of the time they want the best for their children, specially the mother. Papunta ka pa lang pabalik na sila. Pero Sometimes, masyado silang advance mag isip. Sa tingin nila pag pumasok ka sa isang relasyon automatic mabubuntis ka na agad, Ang lagi ko namang sinasabi depende pa rin naman yan sa tao.

“Ma! Mabait naman si Adrian. Tsaka di naman niya ako nililigawan, Friends lang kami.” 

“Bulag ka ba? Sa uri ng tingin niya sayo halatang patay na patay sa’yo ang batang iyon.” Sa sobrang pagpula nang aking pisnge, itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagkain.

Ang alat ng ulam. Feeling ko ilan pang kain ng ibat-ibang klase ng daing magkaka UTI na ako.

“Sinasabi ko sa’yo ang pakikipag relasyon habang nag aaral ay magiging distraction lang yan.” Depende pa rin, Ang iba ginagawang motivation ang partner nila while ang iba nagiging distraction ang isat-isa sa pag-aaral.

Tumango lamang ako at hindi na nagsalita pa. Mamaya pag nagsalita ako barahin pa ako ni mama.

“Nga pala, Malapit na Kayong grumaduate, ah? Pagka graduate mo ng Senior High mag apply ka na lang ng trabaho at pagsabayin mo ang pag-aaral mo. ‘di natin kaya ang kolehiyo. Magtapos ka sa sarili mong pagsisikap, ‘di mo gayahin ang anak ni Mareng Lydia... Si Monique, Nag call center habang nag aaral kaya ngayon nakatapos na. Natulungan niya ang magulang niya at na pag aral niya ang mga kapatid niya. Gumaya ka dun.”

Pagtapos ng Senior High, ‘di ko alam if makakapag college pa ako. Construction worker si papa, Ang kinikita niya ay di pa sapat sa isang linggong gastusan. Ano pa kaya pag mag-aaral pa ako sa college. Kalahati pa ng sahod niya ay kinukupit para may pang inom kaya i doubt if makakapag kolehiyo ako if aasa lang ako sa sahod niya. Ipagsama man ang sahod ni mama na 4k kada buwan ay hindi pa rin kasya, kaya baka mag trabaho muna ako or pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.

Natapos naman ang aming hapunan ng matiwasay. Nag hugas lang ako ng aming pinagkainan at dumeretsyo na sa kwarto. Habang nakahiga, nakita ko ang Cellphone ko na umiilaw ang flashlight, tanda na may nag text.

Si Adrian...

aLaM kO nA mAnG GwApO aKo pErO dI akO bAbAErO

iKaW nGa lAnG aNg gUsTo kOh eHH

SiGe LiGaWaN nA LanG KiTa pARa MaNiWaLA Ka BeBeQouH#16

#GM

#AdRiAnPoGi

#BaBe

#BaByBaBe

Napakunot ang nuo ko sa nabasa. Tanginang Jejemon na ‘to. Parang nabubuhay pa ‘to sa taong 2012 at di na nakaalis eh. Binuksan ko pa ang ibang message at halos puro GM na puro ganito. Ka gwapong lalaki ganito mag text. Awit. Halos di ko na maintindihan ang iba eh.

I decided to reply na tigilan niya na ang kakatext ng ganito dahil pag 'di ako nakapag timpi... block ang number niya sa akin. but instead na matakot... parang natuwa pa siya.

nAg rEpLy nA sSiYa. eTo LanG PaLa KkaiLanGan PaRa PaNsiNin aKo nG BeBe KoH.

#KiLiGaKouHH

#GM

OMG i Kennat...

Para akong bata kung magbasa, paputol putol dahil sa hindi ko masyadong maintindihan ang mga text niya. May mga Combination of words and letters pa nga eh. Small, Small, Big letter then small. Hindi kaya naiinis ang mga ibang nakaka received ng ganitong text? Sabagay Tropa naman niya yata ang nakakabasa kaya okay lang sa kanila. Pero sa akin ay hindi. I deleted his text and block his number. Wala na akong nakikitang pag ilaw ng Phone kaya ramdam ko na ang kapayapaan.

Hours passed and hindi pa rin ako inaantok. It’s already Eleven Pm and kahit pilitin kong matulog walang epekto. 'Di naman ako natatakot na baka ma late dahil sa puyat, Alas-Dose pa nang tanghali ang pasok ko.

Sa sobrang bored kaya nagutom yata ako. Nagpasiya na lang akong bumaba para bumili ng makakakain. Tulog na si Mama. Sarado na ang pinto. Hinanap ko pa ang susi para pag lumabas ako isasara ko na lang ito and bubuksan ko na lang mamaya.

Paglabas ko may mangilan-ngilan na lang na tao ang nasa labas. May mag babarkada pa akong nakita na naka upo sa baba ng Basketball Ring, They form a circle and sing together.

Habang mabagal na naglalakad hindi ko maiwasan na tingnan ang buwan, Napaka liwanag. Ang dami ring star kaya napakaganda tingnan. Sa Gabi ko lang talaga mas feel ang paligid. Tahimik, Walang masyadong tao dahil nasa kani-kanilang bahay, Payapa at malamig ang simoy ng hangin. 

Hindi rin naman nagtagal ay napuntahan ko na ang tindahan ni aling Mira. Malaki ito. May anak kasing Abroad si Aling Mira, Tuloy-tuloy ang sustento sa kaniya kaya di nakakalbo ang tindahan.

“Tao po.”

“Pabili po.”

“Ano iyon?”

“Bearband nga po, Iyong maliit at tsaka rebisco.” Binigay ko na lang ang 20 pesos at hindi na niya ako sinuklian.

Pasara na yata sila dahil nakita kong nagtatanggal na ng ibang paninda sa labas. Buti nakahabol pa ako. Saktong pag talikod ko ang pag tama ng aking mata sa isang lalaki.

Si Adrian.

His eyes is like an ocean, deep and mysterious. People may lost only in his beautiful eyes. 

With only a pair of PJ's and sando, he looked like a Model of some mens magazine. 

“Hey.” His voice was deep but with a glimpse of gentleness. 

“Ah H-ello.”

“Gabi na ah. Bakit gising ka pa? Hmm.”

“Ah o-o nagutom kasi ako. K-aya bumili ako ng F-oods.”

“Ahuh.” He chuckled. The amusement on his eyes is evident.

“A-h Sige. Alis na ako. Baka magising s-ila mama eh.”

“Hatid na kita? Gabi na eh. “ pfft. How cute. Malapit lang naman yung bahay ko dito.

“Okay lang, Adrian. Wag na. Malapit lang naman bahay ko haha.”

“Adrian? Hmm. Mas gusto ko yung tawag mo sa akin kanina.” Namula ang pisnge ko sa hiya. Awit na alala pa nga. Nakakahiya.

“Huh? Ano ba tinawag ko sa’yo?” Omg. Ang landi ko dun kanina pero slight lang.

“Ahuh. So cute. “ Cute talaga ako.

“Drian

Drian

Drian

Drian “

Paulit-ulit niya yung binigkas na parang nakaka-aliw sa kaniyang pandinig at labi.

“Tsk. Uwi na ako. Tabi!”

“Haha Ito naman 'di mabiro. Cute mo talaga kaya crush kita eh. Sige, Hahatid pa rin kita.”

Gago talaga. Bahala ka jan. Epal.

Naglalakad kami ng tahimik lang. Malapit lang naman ang bahay pero ewan ko ba kung bakit napaka bagal ng lakad namin... tila ninanamnam namin ang kapayapaan ng gabi. Sa liwanag ng buwan na nakasubaybay sa aming paglakad, Ang dampi ng malamig na hangin sa aming balat at pakikipag pakiramdaman namin sa bawat isa. Napaka perfect nito kung tutuusin.

Nasa harap na kami ng aming bahay. Patay pa rin ang ilaw kaya alam ko na hindi nagising ang isa sa parents ko. Buti na lang, Ayaw ko masabon ni mama dahil gabi na tsaka kasama ko pa ito.

“Sige. Salamat, Adrian. Dito na ako. Ingat ka sa pag-uwi.” I smiled at him dahil hinatid niya ako and na appreciate ko ang gabing ito.

“ Sige.” He smiled “ Goodnight, Babe.”

“ Goodnight, Drian.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status