Home / Romance / EMBRACING THE MOON / IKALAWANG KABANATA

Share

IKALAWANG KABANATA

Author: Inoxxente
last update Huling Na-update: 2021-09-28 12:28:14

First Day

For the last time, Pinagmasdan ko siya habang sinasara ko ang aming Pinto.  Naabutan ko pang nakahiga si Papa sa Sofa, Hindi na yata napilit ni mama na magising at mailagay sa taas sa sobrang kalasingan.

Dumeretsyo ako sa kusina at nagtimpla ng gatas, hindi na ako nagugutom pero  I think i cannot sleep because of what happen a while ago. Dala ang baso na may lamang gatas, umakyat na ako sa kwarto at nakita ang aking kapatid na mahimbing na natutulog sa aming higaang papag.

Habang umiinom ng gatas hindi ko maiwasang isipin kung totoo ang mga sinasabi ni Adrian. Kilala siyang malapit sa mga babae dito sa amin kaya natural lang naman sigurong mag isip kung pinagloloko lang ako ng lalaking iyon. And if totoo nga, Ano na mangyayare? Hindi ako pwedeng magpaligaw dahil ayaw ni Mama. W-ait teka nga? Bakit ligaw ang iniisip ko? May gusto na ba ako dun? And bakit kinakausap ko ang sarili ko?

Sinabunutan ko ang aking sarili.

Nababaliw na ako pati sarili ko kinakausap ko na. Walanghiyang lalaki. Ginugulo niya isip ko, siguro ginayuma niya ako. Tama, ginayuma niya ako.

May pa tango tango pa ako akala ko may ka kwenta-kwenta mga sinasabi ko sa sarili ko.

Bago pa ako mabiliw ng tuluyan inubos ko na ang iniinom kong gatas at humiga katabi ng kapatid ko. Ipinikit ko ang aking mata at hinihiling na sana mawala na itong iniisip ko bukas.

“So, You’re awake. Kamusta na pakiramdam mo, Iha?” Mula sa malalim na pag-iisip nagising ako mula sa tinig ng isang lalaking doctor. Tiningan ko siya habang sinusuri ang mga galos at sugat sa aking katawan. Pinagmasdan ko siya, Makisig pa rin ang doctor kahit halata na may katandaan na ito.

Magaling siya. Magaling ang mga doctor dito, Na revive pa rin ako kahit naging critical ang kalagayan ko dahil sa ilang minuto na ako na nasa tubig sabayan pa na may tama pa ako ng bala.

Mula sa Doctor, Inilipat ko ang aking paningin sa aking kaliwang kamay. May posas. Napabuntong hingi ako at tumingin na lang sa taas ng kisame.

Akala ko.. the moment na tumalon ako sa tulay ay makakalaya na ako, katulad ng sa libro o palabas may magsasagip sa akin na ibang tao. Pero hindi. This is a reality and heto ako, nakagapos ang isang kamay ng posas habang nag nagpapagaling sa hospital.

“Mamaya ma di-discharge kana at maililipat sa City Jail.”

“Ang mga sugat at galos mo ay pa wala na. May reseta lang ako na ibibigay sa mga nagbabantay sa’yong Police para maging okay na ang mga yan.”

“T-hank Y-ou, Doc.” Mahina kong sinabi.

“Welcome.” He smiled and said “ Excuse me.”

Kaunting saglit lang ay lumabas na siya. Nakita ko pang kinausap niya ang mga police na nagbabantay sa akin, siguro nagbilin lang ng mga gamot na bibilhin sabay alis.

Nang okay na ang lahat para sa pag-alis, Tinanggal na ng isang police ang posas sa kamay ko at inalalayan ako na umupo sa wheelchair. Ang isang may katabaan na Police woman ang nag tulak ng wheelchair ko hanggang makapasok kami sa elevator at makalabas ng Hospital. Mula sa labas, Nakita ko ang isang Police car na maghahatid sa akin sa City Jail. The Police woman open the back door and carefully assist me to get in. From the same seat, I also saw the familiar face of the man who tried to arrest me before i jump off to the bridge. He smiled at me and looked to the Police woman who also sit from my other side.

“Lets go.”

The car is moving.

From the heavy feelings and strong emotion that i have felt, the only thing that i can do is to close my eyes.

What will happen to me now?

Dahil siguro sa pagod at pag iisip, nakatulog ako. Nagising na lang ako ng tinapik ang aking balikat ng lalaking Police.

“Andito na tayo.” Sabi niya sa malalim na boses.

Nilabas nila ako at inalalayan hanggang sa makapasok kami sa isang Presinto. Heto na nga, Makukulong na talaga ako.

Sa lakas ng pintig ng puso at pag ooverthink di ko na nasundan ang mga sumunod na pangyayare. Ang natatandaan ko lang sa lahat ay ang pag kuha nila ng litrato ko kasama ang isang maliit na board na naka indicate ang mga information ko. Di ko na maalala ang mga iba nilang sinasabi about sa kaso ko, parang naging blanko ang lahat kasabay ng pag dilim ng mundo ko.

Sa mahabang pasilyo ay binaybay namin ang daan kung saan ang magiging selda ko. Nadaan ko pa ang selda ng mga lalakeng inmates. Medyo malayo lang kaunti sa kanila ay amoy na ang pinaghalo-halong amoy, mabaho at malansa. Sa isang maliit na selda ay 30 ang nagsisiksikan na dapat ay sa tingin ko ay kinse lamang. Ang karamihan sa kanila ay nakatayo , Ang iba ay nakahiga o kaya ay naka upo. Nakakaawa.

Sa ilang pang minuto ng paglalakad ay ganun pa ring scenario ang nasaksihan ko.

May ilang inmate ang tumingin sa akin, nakangisi at animo’y may iniisip na hindi maganda. Ang iba ay di na nakatiis at pinituhan pa ako at tinanong kung ano ang pangalan ko.

I’m scared.

Hindi naman sa naghuhusga ako. Pero sa klase ng tingin ng iba ay parang hinuhubaran ako.

Huminto kami sa isang maliit na selda. Pang babaeng selda. Magka iba ang lugar kung saan ikinukulong ang mga babaeng inmate sa building ng mga lalakeng inmate. Hindi katulad ng kaninang kalagayan ng mga lalaki ay mas okay dito. Maliit ang selda pero di masyadong siksikan.

Itinanggal ng lalakeng sumundo sa akin kanina ang posas ko. Tiningnan niya ako nang matagal at inalalayan na makapasok sa seldang paglalagyan sa akin. Binigyan na rin ako ng Damit na kulay orange at may malaking letter P na tatak sa gitna.

Nginitian ko ang mga kasama ko at dahan-dahang naglakad sa dulo ng selda...Pero bago pa ako makapunta ay may isang babaeng Itinulak ako kaya napa dapa ako sa semento. Masakit pa ang katawan ko at madadagdagan pa yata dahil sa tulak na iyon.

“Welcome sa kaharian natin ka-kosa.” Ani ng tumulak sa akin.

Kahit masakit ang katawan, Unti-unti along Tamayo at hinarap ang babaeng burikat na tumulak sa akin. Isang Babaeng Balingkinitan ang nakita ko, maputi pero Puno ng tattoo ang katawan.

Nginitian ko lang siya at tinanguan.

Galit ang nakikita ko sa kaniyang ekspresyon dahil yata sa walang nakuhang sagot mula sa akin. Susuguran niya sana ako ngunit napansin niyang hindi maganda ang lagay ko dahilan para mamuo ang pawis at halatang may iniinda akong sakit. Instead of I think hurting me, inutusan niya ang ilang inmate na alalayan ako para makapunta sa pwesto ko at maka-upo.

“Anong kaso mo 336?” 336? Ako ba?

Kinunutan niya ako ng nuo at halatang nainiinis sa akin kanina pa.

“Pipi ka rin ba? Bakit hindi ka magsalita? 336, Ikaw iyon. ”

“D-Drugs ”

“Nagbebenta o gumagamit?” Tanong naman ng isa.

Sasagot na sana ako ng may nagtanong na naman.

“Wala sa itsura mo ang kakasuhan ng drugs. Tinaniman ka lang ba?”

“N-agbebenta.” Sinagot ko ang unang nagtanong sa akin. Totoo iyon. Nagbebenta lang ako but I’d never try and use drugs.

“Whoah! Edi Mabigat pala kaso mo, Ka kosa.” Biglang sabat naman ng isang may katandaang babae. Sa likod niya ay isang payat at morenang dalaga na hinihilot ang kaniyang likod. Nagkatinginan kami at nginitian niya ako ng maliit.

“Habang-buhay kana rito niyan.” Binalingan ko kung saan nanggaling ang boses at duon iyon sa babaeng nag tulak sa akin kanina.

“Anong pangalan mo?”

“K-ane... Kane Mayari Peña Vega. ”

“Ilang taon kana? Mukha ka pang bata. ”

“22.”

“Ay kabata mo pa, Ineng. Ka edad mo lang ang kasamahan natin dito.. Si Dahlia.” Ang kaninang hilot session nila ay natapos dahil lumapit na sa akin ang matandang babae.

Halatang bata nga rin ang payat na babae na nagngangalang Dahlia. Sa itsura niya ay parang binintangan lang siya nang kung ano at sapilitang pinasok dito eh. She looked like an angel. 'Di bagay dito.

Ang kaninang May ibat-ibang pinag busy-busyhan na inmate ay pumunta na rin sa pwesto ko para yata maki tsismis. Pinagmasadan ko lahat ng kasama ko. 5 ang may tattoo at 3 duon ay punong-puno sa katawan. Ang iba ay matatanda na 2 lang kaming dalagita ng sinasabi nilang Dahlia.

I kwento ko lang kung paano ako nahuli at nakulong at ang ibang detalye ay hindi ko na inungkat pa.

Nang mag tanghalian ay sabay-sabay kaming pinapunta sa isang malaking cafeteria.

Dahil nga sa hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam ko sabayan pa ng tulak kanina, Nagpasiya na lang akong magpa-iwan. Hindi rin naman ako nagugutom. Mas lamang sa akin ang daming iniisip kaya siguro wala akong maramdamang gutom.

“Di ka pa ba sasabay sa aming kumain, Ineng?” Tiningan ko ang ginang na nagsabi sa akin. Siya si Bilog. Ang tawag sa kaniya dito ay Nanay Bilog. Siya rin ang ang babaeng nagpahilot kanina kay Dahlia.

“Hindi na po, Nay. Hindi rin naman po ako nagugutom.” At masakit din katawan ko, Gusto ko rin sanang idagdag ngunit itinikom ko na lang ang bibig.. hmm halata kasing nagsusumbong ako.

“Ganoon ba? Eh Baka mamaya gutumin ka.. Nako! Mabilis pa namang maubos ang mga pagkain dito.”

I really appreciate her effort for convincing me to eat. I feel like I’ve found a mother figure on her.

“Thank you, Nay Bilog. Pero sige una na po kayo baka maubusan kayo, Sige ka!” Sinabayan ko pa ng pananakot ang huling salita para matakot at umalis na.

“O, Sige. Mag t-try ako kung makakakuha ako ng pagkain mamaya sa cafeteria para sa’yo.”

“Halika kana, Dahlia, Iha.” Mula sa pag-aayos ng higaan ay nakita kong tumayo si Dahlia at pumunta sa pwesto namin. Nginitian niya ako at nginitian ko rin siya pabalik.

Sabay silang umalis kasama ng iba pang mga Inmate.

Mag-isa na lang ako sa selda.

Somehow, naging payapa ang paligid ko. Wala akong kasama dahil lahat ay pumunta sa cafeteria para kumain. Ang mga katabing selda ay wala ring tao kaya ang buong paligid ay tahimik.

Ano na ba ang magiging buhay ko simula ngayon? Habang -buhay na ba ako dito? Sabi kanina ni May—Iyong babaeng tumulak sa akin ay habang buhay na daw ako dito since ang kaso ko is drug, May pa-asa pa sana akong malaya kung gumagamit lang ako at hindi nagbebenta.

Mabait naman pala siya.. I think? I don’t know.

Puno ng tattoo ang bahagi ng katawan niya pero maganda siyang tingnan. Maputi, Balingkinitan ang katawan at matangkad. Kasong pagpatay ang mayroon siya. Napatay niya ang kinakasama niya dahil napuno siya sa pang-aabuso at pananakit nito sa kaniya pati sa mga anak nila.

Katulad niya may ibat-ibang storya rin ang mga tao sa seldang Ito. Ang ilan dito may kinalaman sa drugs, Nagbebenta dahil sa hirap ng buhay. Pagnanakaw, na Frame-up, Murder at iba pa. Lahat may storya, lahat dapat pakinggan.

Napadako ang isip ko sa Boss ko. I think nakarating na sa kaniya ang balita na nadakip ako ng mga Police at nasa selda na ako. Sure ako na di niya ‘to papalampasin.

Papatayin niya ako.

Once na sumali ka sa isang sindikato automatic mahirap nang makalabas..

May mga tao ang Boss ko dito, may nakapagsabi na sa kaniya na naririto ako o nireport na sa kaniya ng taong pinapunta niya sana sa akin na nadakip ako. Galit na galit na iyon for sure. Tsk Malay ko bang matutunugan ng mga Police na andun ako. Ang malas naman, Sa dami namin.. ako pa talaga ang maswerteng mabingguhan.

Hindi rin naman nagtagal dumating na ang mga kasama ko. Masaya silang nagkwekwentuhan about sa matabang babae na pinagtulungang balyahin ng kasama nito sa selda dahil lang sa maliit na dahilan... Mabaho ang hininga.

“Pasensya ka na, Ineng Kane. Di kita nadalhan ng pagkain dahil naubos na.” Aniya sa malungkot na boses. Okay lang naman. Sabi ko nga hindi rin ako nagugutom.

Nginitin ko lang si Nanay Bilog. “That’s okay, Nay Bilog. Thank you po.”

“kasalanan iyon ni Babaeng Jumbo dun sa room 146 eh. Lakas kumain, A****a. Nakadalawang balik para kumuha ng another ulam eh.” Ani naman ni Jane, Ka selda rin namin.

“Hayaan mo na, May. Baka kulang pa sa kaniya kaya nakadalawang balik.” Sabay tawa pa ni Nanay Bilog.

Nakitawa na lang din ako sa kanila. Matakaw daw talaga yung babae. Marami rin ang nagrereklamo dahil gusto pa nilang kumuha ng another set of foods but end up with nothing, Hindi lang naman kasi siya ang bumabalik for foods marami sila I think.. so, nagkakaubusan talaga.

“336 pagkain mo.” Nangunot ang aking nuo dahil sa tawag na nanggaling sa labas ng selda. Nakita ko ang isang Police na may hawak na isang tray ng pagkain. Sa akin?

“Pagkain mo, Pinabibigay ng taong pumunta dito kanina...”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • EMBRACING THE MOON   ADRIAN POV

    ADRIAN POV My love of my life is sleeping peacefully besides me. I smirked. Yesterday is too memorable to forget. We are finally married. She is now carrying my name. I smiled. I kissed her forehead softly and cover her body with blanket before i get up. I only wear my boxer short as i leave our room. It’s Nine in the morning and yet she still sleeping. Napagod ko yata talaga. I decided to make breakfast for the two of us. I only make Monti cristo sandwich for my wife and hot Choco. I just make coffee for myself. I sat down on the couch while sipping my coffee. This is the kind of life I’ve wish since i met her. That girl. She has the beautiful eyes i have ever since. The beautiful girl my eyes found. Inaalala ko kung bakit ba ako andito sa isang school. Naglalakad-lakad lang ako hanggang sa mapadpad na ako dito.Aalis na sana ako na

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA APATNAPU

    TIED THE KNOT We will getting married.... Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Adrian. Itinago niya sa bulsa ang kaniyang Cellphone at kinuha ang aking kamay para halikan. “There is no turning back, Baby. I won’t let you.” No. I’m not backing out. I’m shocked. Adrian said na naghihintay na si Atty. Santos sa mansion nila Adrian. Doon daw iraraos ang kasal namin ngayon. Yes, ngayon dahil ayaw nang patagalin ni Mama Alma ang pag-iisang dibdib namin ng kaniyang anak. Papunta kami ngayon sa mansion nila sa Quezon City. Andoon na daw ang lahat at kami na lang ang hinihintay. I’m so damn*d nervous and excited. I cannot wait. “Nervous?” He asked. “Yes.” “Hmm.” He chuckled. “I love you.” He only said.Pagdating namin sa bahay nila Adrian ay nasa Garden na ang lahat. Napapalibutan ang lugar ng mga ibat-ibang klase ng bulaklak

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T SIYAM

    CEMETERY“Congratulations to the both of you!” “Tagal pinangarap yan ni Adrian!” “Sana all!” “Oh ayan may bakod na talaga.” Everyone’s laughed because of that. Adrian embrace me tightly. I feel his fast heartbeat like how i felt mine. Today, I got engaged to the man of my life. To the man i use to love since i was eighteen. “Mahal na mahal kita.” Naiiyak kong bulong. “I love you. I love you too, Baby.” Naghiwalay kami nang yakap. Kinuha siya ng mga pinsan niyang lalaki. Ako naman ay pinuntahan ni Mama Alma upang yakapin. “Thank you for accepting my sorry, Iha.” “Wala na po ‘yon. Kalimutan na po natin ang lahat... Mama.” She cried in tears while nodding her head. “Mahalin niyo lang ni Adrian ang isat-isa ng tapat— ‘yon lang naman ang gusto namin para sa inyo.”

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T WALO

    APPROVAL Tama. Hindi dapat ako magpa- apekto. Baka pag inisip ko pa ang mga sinabi ng babaeng ‘yon ay ma stress pa ako at baka nakasimangot pa ang aking anak sa loob ng tiyan ko. Pagpasok ko sa Condo ay saktong nagluluto si Nanay Melay. Nakatalikod ang ginang at nag gigisa siya ng bawang at sibuyas. Nakaramdam ako ng pagsusuka. Agad akong pumunta sa Lababo upang sumuka. Wala naman lumabas ngunit ramdam ko lang na parang may lalabas sa bibig ko. May kamay na humahaplos sa aking likod. “Hala pasensya kana, Ineng. Sensitibo ka yata sa bawang kaya ka nagsusuka.” “Okay lang po.” Sabay hawak sa ilong ko. I used to love how garlic sauté before but now, nasusuka at nababahuan talaga ako sa amoy.“I’m sorry, Nanay Melay. Maiwan po muna kita. Nanghihina po ako sa amoy. Akyat po muna ako.” Nginitian ko ang ginang at sinuklian din naman ako nito ng mainit na ngiti.

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T PITO

    USERAng natutulog kong diwa ay nagising mula sa mumunting halik sa aking pisnge.“Good morning, Baby.” My body wrapped by Adrian legs. Ang kaniyang mukha ay nasa aking pisnge kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Mabilis kong tinakpan ang aking labi sa takot na maamoy niya ang aking pang umagang hininga. Nakakahiya dahil wala pa akong toothbrush tapos sa kaniya kahit kagigising lang parang bagong mouthwash. Unfair!He teasingly looked at me. Naka angat ang kaunting labi. Umibabaw siya sa akin. Mabilis niyang natanggal ang aking kamay at pinagsiklop niya ito kasama ng isa pa. Masama ang tingin ko sa kaniya ngunit ang walanghiya ay mabilis pa sa alas kwatro na sinunggaban ang labi ko. Wala na akong magawa ng pisilin niya ang aking bewang kaya napaawang ang labi ko. He grabbed the opportunity to enter his tongue on my mouth. Roaming around an

  • EMBRACING THE MOON   KABANATA TATLUMPO'T ANIM

    ShowerKinagabihan ay umuwi si Adrian na masama ang aura. Nalaman niya ang nangyare sa akin at hindi niya ‘yon nagustuhan.“I already told you na huwag kang lalapit sa gate, Kane. Ang tigas ng ulo mo. What if masabunutan ka ni kiana?” Pinaalam sa kaniya ng Nurse ang nangyare kanina. Inutusan niya pala itong i update siya kung anong mangyayare sa lakad ko. I pouted. Guilty. “Sorry, baby.” I held his hand and sofly kiss it. Tila lumambot naman ang kaniyang ekpresyon ngunit pinipigilan niya ito gamit ang kaseryosohan. Bumuntong-hininga siya. Lumapit siya sa akin at tinayo upang mayakap ako. “Next time. I won’t let you go to your sister without me. You don’t know how d*mn worried i was when i heard the news. Sorry, I don’t want any bad things happen to you and our baby.” Mula sa likod ay pinagapang niya ang kaniyang kamay papunta sa akin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status