Share

Chapter Nine: Trapped

I woke up feeling a little dizzy. I opened my eyes and my sight faded into focus. The first thing I saw was the ceiling of our dorm. How did I get here? Ang huli kong naaalala ay nahimatay ako pagtapos kong tumilapon sa may puno.

Tatayo na sana ako pero may kamay na humawak sa noo ko at pinahiga ulit ako. I'm surprised I didn't feel any pain at all, sa pagkakaalala ko ay may sugat ako doon mula sa pagkakabagok ko sa bato.

"Magpahinga ka pa, milady."

Napatingin ako sa nagsalita at kinapa ang noo ko. Walang sugat... how come?

"Ginamot ka noong isa niyong kasama sa silid," sambit ni Lucian nang mapansin ang pagkalito sa mukha ko.

"Nasaan sina Ryleigh?" tanong ko nang makitang kami lang dalawa ang nandito sa kwarto. What is he even doing here? Bawal ang mga lalake sa dorm ng mga babae.

"Nasa klase nila," sagot niya habang nangingialam sa mga gamit ko.

"Don't touch my things, okay? And why are you even here? Are you not supposed to be in class too?"

"Uy concern siya hehe. Well.. you are more important than my class so? I'm here," he said while wiggling his brows and winked at me. Tinaasan ko siya ng kilay at naupo. Ang gara lang ng posisyon namin nakahiga ako at nakatunghay siya sa akin tapos kung ano ano pa 'yong mga pinagsasasabi niya.

"Nga pala, bukas na 'yong test para sa battle royale."

My eyes widened. Hindi ko pa natututunang gamitin ang mana ko. The last time I used it was an absolute disaster. Hindi pwedeng hindi ako makasali doon!

"Let's go!" sabi ko saka tumayo mula sa higaan ko at hinila si Lucian sa kaniyang kamay papunta sa may pintuan.

"Whoah whoa— saglit lang milady. Bata pa ako!"

Puro talaga kalokohan itong gagong 'to. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian niya lang ako. Gago talaga.

"Saan mo ba ako dadalhin? Kailangan mo pang magpahinga! Ang tigas ng ulo mo," anya at hinarang ang isa niyang braso sa may pintuan.

"Magpa-practice, tuturuan mo ulit ako."

Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kaniya at iniharang ang buo niyang katawan sa may pintuan. What the fuck is wrong with him?

"Umalis ka diyan, Lucian. Kung ayaw mo akong turuan sa iba na lang ako magpapaturo." Umiling-iling lang siya at hinaharangan ako tuwing susubukan kong abutin ang doorknob.

"Hindi naman sa ayaw kitang turuan, milady.. Ano kase.. Kase ganto 'yon.. Ano.." Lumikot ang mata niya, he looks troubled, parang hindi niya alam kung magsasalita ba siya o hindi. Pinaningkitan ko siya ng mata, may hindi ba siya sinasabi sa akin?

"Puro ka ano! Ano ba 'yon?!" sigaw ko sakaniya. Naiinis na talaga ako.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi bago sumagot, "Sabi kase ni Headmistress bawal na ang mag-ensayo kapag hindi oras ng klase niya," he said without glancing at me.

"At paano naman nalaman ni Headmistress ang nangyare?"

Tinignan niya ako sa mata bago sumagot, "Hindi ko alam ang gagawin ko, wala kang malay nung sandaling 'yon. Nag-alala ako ng sobra, nataranta ako inisip ko baka.. baka hindi ka na magising kaya wala na akong pagpipiliin kundi ang sabihin sa kanila kung ano ang nangyare para matulungan ka nila," puno ng pagsusumamo ang tono niya.

I get it. I honestly get it. Gusto niya lang magamot ako but aish! Paano na ang training ko ngayon? Maybe I should give up. Huwag na lang ako sumali ng battle royale just to beat the hell out of Olivia. I should focus on something else. Like knowing everything about me and my parents and find out how to get out of this place. Right. That's what I should do and that is what I should be doing instead of competing with Olivia.

I heave a sigh and motioned Lucian to get out of the way but he just shooked his head.

"Wala na akong balak mag-ensayo kung iyon ang iniisip mo. I'll just go out for a walk."

Umalis na siya sa pinto pero sumunod siya sa akin. "I'll come with you!" sigaw niya habang naglalakad sa likod ko. Hindi ba talaga ako lulubayan ng lalakeng 'to? Tch.

"I need time for myself okay? Company is the least thing I want right now." Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong iparating kaya tumango siya at hinayaan na akong umalis.

Naglakad na ako papunta sa library, isang malaking building iyon na may apat na palapag masyadong malaki para sa isang school library but yeah nasa ibang mundo na pala ako bakit ba ako nagugulat. Maybe I could find something there. Dapat lang na may makita ako doon, sa laki ba naman non ewan ko na lang.

"Ang iyong pagkakakilanlan?" bungad na tanong sa akin ng sa palagay ko ay isang librarian.

Anong pagkakakilanlan? Napansin niya yata ang pagtataka sa mukha ko kaya itinuro niya ang bagay na nakasukbit sa leeg niya, "Pagkakakilanlan," pag-uulit niya. I.D pala ang ibig niyang sabihin. Wait. Wala pa naman silang binibigay na i.d ha..

"I don't have one yet," sagot ko. Bahagya niyang itinaas ang kaniyang salamin at saka'y tinitigan ako na para bang kinakalatis niya akong maigi.

"Oh. Ikaw 'yong halfblood. Hanggang sa ikalawang palapag ka lang maaring pumunta," ani niya at sinenyasan na akong umalis.

Hanggang dito ba naman may discrimination paring nagaganap? Psh.

Minabuti ko ng maglibot-libot dahil pa-gabi narin. Tumungo na agad ako sa ikalawang palapag dahil mukhang acedmic books ang nasa unang palapag at sigurado akong wala naman doon ang hinahanap ko.

I went to the shelf at the far left of the library and I've come across this books 'The Migrants'. I browsed through the pages, mukhang listahan ito ng mga lumabas ng Trealvale sa mga nakalipas na panahon.

Elizabeth St. Laurent

Hinanap ko ang pangalang 'yon ng aking lola pero ilang pages na lang at matatapos ko ng basahin ang libro pero hindi ko iyon nakita. There's no trace of my grandmother's name in this book. I tried looking for other books like this but I found nothing, mukhang ito lang talaga ang ganitong libro. Does that mean she's not from here? Sabagay kulay itim ang mga mata niya at mukhang isa siyang mundane. Kung ganoon.. Isa ring mundane ang papa ko na anak niya? And that makes me a halfblood? Ahh! Nakakasakit naman ng ulo 'to.

Ang hirap pagtagpi-tagpiin ng mga impormasyon dahil limitado lang ang alam ko. Bumaba na ako sa unang palapag at doon naman naghanap, pumunta ako sa dulong shelf malapit sa bintana and as I expected puro academic books ang nandito. Not the one I need.

Napatingin ako sa bintana nang may naaninag akong naglalakad papunta sa masukal na bahagi ng kakahuyan. It's Olivia. I can't be wrong it's her. Anong gagawin niya don?

"No running inside the library!"

Hindi ako nakinig at patuloy lang sa pagtakbo papunta sa likod ng building. Damn this curiousity. Hinawi ko ang mga halaman na nakaharang sa daanan ko at sinundan si Olivia. Pumasok siya sa isang bahay na maliit sa gitna ng matatayog na puno. Paano naman nagkaroon ng bahay dito? I mean bakit may bahay dito?

Pumunta ako sa likod ng bahay ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. I can't afford to get caught. Sumilip ako sa butas sa may pader, I stick my finger on it para mas palakihin ang butas to get a better view.

Wait.. Is that Professor Silvanus? Yes it's him! Anong ginagawa niya dito kasama si Olivia? Don't tell me they have secret affair.. What the fuck tanisha. That's very inappropriate. How dirty can your mind be?

"They are up to something. I don't know what it is but they are definitely planning something," sambit ni Professor Silvanus kay Olivia. Magkaharap sila ngayon sa isa't isa. Mas inilapit ko pa ang tenga ko sa pader para mas marinig ang pinaguusapan nila. Yup. I'm eavesdropping rightnow. It's not bad until I get caught Haha!

"What do you mean, father?"

Wait—what? Did I heard it right? She called him father? Is that how secret couples call each other in this world? Kinky. Okay, I'm just kidding. She is his father, I get it. But DAMN if he is her father then he must be the king but HE isn't the king! What is happening.. Or is he a priest? No. He's a professor.

"Sa tingin mo, bakit naman gagawing gantimpala ng Emperatrice ang kaniyang trono sa mananalo sa Battle Royale? Kataka-taka lang."

Maybe because she has no child to inherit the throne. Duh.

"Hindi naman. Wala silang tagapagmana kaya niya siguro 'yon ginawa."

Exactly my point! At least there is something Olivia and I both agree with.

"Ayon ang pagkakaalam niyo. Pero hindi iyon  ang totoo. Meron silang anak na babae, itinago ng Emperatrice ang kaniyang pagbubuntis dahil batid niyang may mga magtatangka sa buhay ng prinsesa. Pero gayon pa man bigla na lang ito nawala noong gabi pagkatapos niya itong isilang. Simula ng araw na iyon hindi na muling nakita ang prinsesa at minabuti nilang itago ito sa lahat at tahimik na naghanap."

I can't believe what I am hearing rightnow. So they actually have a daughter? I wonder where she is rightnow. Probably dead? I don't know.

Sa gulat ay napahawak si Olivia sa kaniyang bibig.

"M..may anak sila? Kung totoo nga iyan ay malamang patay na 'yong bata o kung buhay man ay hindi na nila ito mahahanap kailan man kaya siguro nagdedisyon silang humanap ng ibang hahalili sa kanilang trono. Pero paano kung makita nila siya.." nag-aalalang turan ni Olivia.

Napangisi ako. Looks like someone is interested with the throne.

"Dalawa lang iyan, it's either nahanap na nila ang prinsesa at tinatago lang nila siya dahil alam nilang manganganib ang buhay niya o hindi na talaga nila siya nahanap. Alin man sa nabanggit, ako na mismo ang hahanap sa prinsesa at sisiguraduhin kong hindi siya makikita ng Emperatrice o kahit sino man sa palasyo at ikaw, kailangan mong makapasok ng battle royale at manalo. I'm counting on you."

Napalunok si Olivia sa narinig, "Pero paano na ang kaharian ng Destruria? Ako ang tagapag-mana non."

Paano siya magiging tagapag-mana kung anak siya ni Professor Silvanus? Ang gulo lang ng pamilya nila ha. Hindi ko ma-gets.

"Hindi ikaw ang tunay na tagapag-mana, Olivia. Baka nakakalimutan mo na ako ang ama mo at hindi ang matandang iyon. Kung may mamanahin kang trono doon ka na sa mas malaki. Naiintindihan mo ba? At tungkol kay Tanisha.." Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang pangalan ko. Ano namang kinalaman ko sa issue nilang mag-ama?

"Anong tungkol sa halfblood na iyon?" tanong ni Olivia habang nakaismid. She really hates me. Ang lakas naman ng dating ko sa kaniya pangalan ko pa lang nanggagalaiti na siya.

"Huwag ka na ulit magpapatalo sa kaniya, naiintindihan mo ba?" Natahimik si Olivia at marahang tumango.

"Kung gayon ay mag-ensayo na tayo. Hanggang saan na ba ang kaya mo? Ipakita mo sa akin."

"Opo, ama."

Umatras si Olivia palayo kay Professor Silvanus at doon tumayo. Pumikit siya ng mariin, naglalabasan na ang ugat sa kaniyang leeg at noo. Pagmulat ng mata niya ay mas naging kulay violet iyon. Napatakip ako sa aking tenga nang bigla siyang umangil ng pagkalakas-lakas. Nang ibuka niya ang bibig niya ay laking gulat ko sa nakita ko. She has a fang.. SHE FUCKING GREW A FANG! and his fingers turns into a claw! She's a damn werewolf. I've never seen such shape-shifting.

Napaatras ako at napa-upo sa damuhan nang umangil nanaman siya. Ang sakit sa tenga at ulo ng boses niya. Masakit naman talaga siya dati pa pero iba ngayon. Parang pumapasok sa utak ko 'yong mga angil niya at parang kinukurot-kurot ako doon.

Nanigas ang katawan ko nang may kung sinong nanutok ng kaniyang wand sa may leeg ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

Kahit hirap ay dahan dahan kong nilingon ang nagsalita. Eleanor. Pagkaminamalas ka nga naman oh. Sa lahat pa ng makakahuli sa akin dito at ito pang kampon ni Olivia.

"Hmm.. Makakaganti na rin ako." sambit niya ng nakangisi at hinawakan ako ng mahigpit sa braso bago pa man ako makapiglas ay bigla na lang kami nag-teleport sa isang madilim na kwarto.

"Enjoy your stay here, halfblood. Bye bye!" turan niya, hindi parin nawawala ang ngisi sa kaniyang labi.

"Nasaan ako?!" sigaw ko sa kaniya pero hindi niya ako sinagot at bigla na lang siyang naglaho. DAMN IT!

Tumayo ako at nangapa ngapa sa dilim. Nasaan na ba kasi 'yong letseng pintuan dito? Halos madapa-dapa na ako habang naglalakad sa madilim na kwartong ito. Pagtapos ng ilang minutong kapaan ay sa wakas nahanap ko narin ang pinto. Inabot ko ang doorknob nito at pinihit.

It's locked! Pati ang mga bintana ay hindi ko mabuksan. Ilang beses na akong napamura sa isip ko. Ang malas ko naman. Saan ba ako dinala ng bruhang iyon? Kapag ako talaga nakalabas dito. Makakatikim sa akin 'yon. Lintik lang ang walang ganti.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka-upo dito. I gave up trying to free myself from here after several failed attempts. Nagugutom na ako at nasakit na ang mata ko sa dilim. Kailangan ko ng makakita ng liwanag.

Tumayo ako para sana subukan ulit buksan ang pinto when someone pulled me and covered my mouth with his hand. "Don't say a word," he whispered in my ear. I started to panic. Nagpumiglas ako at tinapakan ang kaniyang paa dahilan para bumitiw siya sa pagkakahawak sa akin.

"Fuck," narinig kong d***g niya. I can't clearly see his face dahil sobrang dilim dito. Then his hand illuminated with blue light at naaninag ko na ang mukha niya.

"Acheron?!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status