The Billionaire's Escort
Kung ayaw nitong maging politiko ay maging katulad na lang daw niya ito.
“Ikaw? Hanggang kailan mo ba ipagpapatuloy ang jinx mong iyan?” tanong nito.
“I told you it's not a jinx!” malamig na wika niya.
“Oo na! Hindi na kung hindi,” tumatawang wika nito. “Pero, dude, wala ba ni isa sa kanila ang nakakuha ng interest mo? Impossible naman na wala. Sigurado naman ako na magaganda sila.” Pero bigla itong napaisip at umiling. “Pero I guess wala. Sino ba ang magkakaroon ng interest sa mga katulad nilang babae?”