When A Meet E
Why?
Minuto rin akong natahimik, pinag-iisipan kung anong isasagot ko sa binitawan niyang linya.
Psss, bakit pa nga ba ako nag-iisip? Anong meron, Angelic? Tsk.
"Asus, too good to be true or hindi, ang sabihin mo ay walang ganon sa pandinig at paningin ng mga chismoso at chismosa. Kung saan sila kakakahatak ng atensiyon ay doon sila. Mga attention seeker. Hampasin ko pa sila ng baseball bat eh." Tumawa naman ito bigla bagay na ipinagtaka ko. "Bakit ka natawa diyan? Totoo naman ang sinabi ko ah?"