Sukdulan ng Buhay
Nanginginig ang katawan ni Vanya habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin.
Kilala niya si Azure. Sa isang pagkakataon, may nanakit sa kanya at partikular siyang nagtawag ng mga tao mula sa Thousand Miles na tulungan siya. Ang namumuno sa mga tauhan noong panahong iyon ay si Azure. Sa oras na iyon, nakita niya si Azure na binali ang sampung daliri ng kaalitan niya at nakaramdam siya ng sobrang kasiyahan, hanggang sa puntong hinangaan niya ito nang ilang panahon at hinangad pang gawing mas malalim ang kanilang relasyon. Gayunpaman, isa itong pag-ibig na hindi maibabalik. Hindi siya gusto ni Azure.
Ngayon, wala siyang kasiyahang nararamadaman. Takot lang ang meron siya.