One Night Love (Tagalog)
tanong ng isang reporter mula sa isang sikat na news agency.
Leon took a deep breath. “Ayokong isipin niyong mahangin ako pero bukod sa kaguwapuhan ko, mabuti rin akong tao. Anyone could be smart, genius or extraordinary when it comes to academics but not everyone has a good heart. Hindi ko sinasabing masamang tao kayo o sila, ang ibig kong sabihin, hindi lahat ng tao ay kayang magpakita ng malasakit sa iba. I'm a servant-leader by nature. Hindi ako kumikilos at nagdedesisyon base sa pansarili kong interes kung hindi para sa nakararami. Para sa akin, ang isang mabuting lider ay maalam makinig lalo na sa mga hinaing ng mas nakararami at ng mga nasa baba ng organisasyon. Naniniwala akong kapag busog sa pag-aalaga at pagmamahal ng isang kompanya ang isang empleyado ay gagawin nito ang lahat ng kani
yang makakaya para maisagawa ng maayos ang trabahong iniatang sa kaniya. A company's success doesn't only reflect on its financial statements, it should also be reflected in its manpower. May pagbabago ba sa antas ng mga manggagawa? Kasing laki ba ng mga natatanggap nilang benepisyo ang kanilang mga work loads? Sa madaling sabi, bilang bagong chairman ng Ashton Group of Companies, sisiguraduhin kong hindi lang bulsa ng mga nasa taas ang magkakalaman, maging hanggang sa pinakababa ay magkakaroon din. Hindi lang ang kompanya at mga empleyado ang gagalingin kung hindi pati na rin ang aming mga customers at end-users. By empowering our people, listening actively and fostering a positive workplace, we can create a supportive and ethical environment where everyone can level up and succeed.”