KUNG AKO AY IIBIGIN MO
Si Helena’y tahimik lang pero ang puso niya, hindi lang umaapaw sa pagdatal ng tuwa na may anak na siya, kun’di sumisigaw rin iyon sa ligaya ng dahil kay --- Markus…!
Maya-maya’y may naramdamang pagkibot si Helena sa kan’yang dibdib. Kasabay noon ay ang bahagyang paglikot ng mukha ng kan’yang anak. At ang pagkibot din ng labi nito.
Lumapit ang Nurse sa mag-ina. “Subukan n’yo po na i-breast feed na si baby, Mam.” suhestyon ng Nurse.
“P-puwede na ba? May gatas na kaya ako?” Medyo nag-aalala pang sabi ni Helena.