Walang Kapalit
Black_Angel20
Napatayo ito sa kinauupuan at nanginginig ang kamay na may hawak na tasa ng kape.
"Chill uncle,"
"How could I chill down?" Humagalpak siya ng tawa.
"It should be calm down, uncle. Saan mo nakuha ang chill down?"
"Kung ang sinabi mo ay calm. Iyon rin ang sasabihin ko. E sa chill ang sinabi mo e. Bagay naman din. Chill down. How's that?" Iling-iling siyang inalalayan ang tiyuhin paupo. Bagaman nakatingin sa kanya. Basang-basa ni Xorxell si Richard na parang sinasabi nitong hinding-hindi siya nito mapipigilan.