Love Revenge Game
CHENANIAH XYRAH’S POV
Hindi na maibilang ang mga insidente na naganap simula’t muntikan na akong magahasa ni Mr. Tzu sa kanilang mansyon. Bagama’t nais kong puksain sa aking isipan ang nakakapangilabot, ngunit nakapagbigay sa akin ng romantikong damdamin nang ako’y ipinagtanggol ni Raze, ay hindi ko pa rin kayang humarap sa kaniya kahit isang linggo na ang nakaraan. Sa pangalawang pagkakataon, muli niya akong pinagbuksan ng pinto sa kaniyang kompanya nang pinunit niya sa aking harapan ang isinulat kong liham ng pagbibitiw. Hindi ko maipaliwanag at maunawaan ang aking sarili kung bakit naglaan pa ako ng oras para magbigay sa kaniya ng sulat ng pagbibitiw kahit alam kong sinibak niya na ako sa trab
aho. Sa aking inaasahang pangyayari, nang unang pumasok ako sa aming departamento, lahat ng mga empleyado ay nakatingin sa aking direksiyon na may iba’t ibang reaksiyon at pananaw sa kanilang isipan. Sila’y napuno ng berde sa inggit at nabigla sa di-inaasahang pagbabalik ko. Ang ilan sa kanila ay namangha dahil ako ang tunay na ‘Secrecy Gold Lady’, ngunit, ang iba sa kanila ay nainggit at nagtampo sa akin, lalong-lalo na si Ashley na hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang binubuksan ang paksang iyon. Hindi ko naman masisisi ang naging desisyon ni Raze sa kadahilanang nais niyang ituwid ko ang aking kamalian kung kaya’t muli niya akong binigyan ng pangalawang pagkakataon.