SLEEPING BEAUTY (Tagalog)
ay ang biyayang magkaroon ako ng magandang mukha at biyayang lahat ng kalalakihan ay magugustuhan ako." Hindi sila lahat nakapag-salita. "Pero, naging sumpa iyon sa akin dahil lahat na lang ng kalalakihan ay nahahalina sa akin at maraming kababaihan ay naninibugho sa akin kaya kahit ang mga magulang ko ay naging suliranin iyon. Ang matandang mangkukulam na iyon ay binuhay lang pala ako, sa sinapupunan ng aking ina para buhayin ang isang itim na mangkukulam na may kahindik-hindik na kasamaan, na matagal ng namayapa. Nais ng matandang mangkukulam na buhayin ang itim na mangkukulam na iyon gamit ang katawan ko para mamuno sa mundong ito dahil may malakas siyang kapangyarihan. Pero hindi siya nagwagi na makuha ang
katawan ko dahil naprotektahan ko ang aking sarili sa masama niyang plano. Kaso pinatulog niya ako nang mahabang panahon at sumumpa siya na uulitin niya ang masamang balak niya sa oras na magising ako. At ngayon nga ay nag-uumpisa na siya dahil nagising niyo ako at inalis niyo ang sumpang pagkakahimbing sa akin at hindi siya titigil hangga't hindi niya napagtatagumpayan ang masama niyang balak, mahabang kwento sa kanila ni Cassandra."