Curiousity In The Boundary
MisterMaya
Tapos ay sumabog na naman sya sa kakatawa, kakaiba rin pala ang sense of humor niya.
"Manahimik ka na nga lang!" Inis kong sigaw sa kanya, "Pero parang gustong gusto mo talagang pumasok, marami kabang kaibigan doon?" tanong niya at naalis naman ang init ng ulo ko dahil dito.
"Sa itsura kong ito, mukha ba akong maraming kaibigan?"
"Bakit anong problema sa itsura mo? maganda ka naman." Napahinto ako sa ginagawa ko at lumingon sa kanya.