His Dangerous Desire
"Have you read it?"
"Oo," mabilis niyang sagot. "Noong una ay ayaw kong basahin dahil nga romance. Pero nang sinubukan ko ay maganda naman pala. Isa pa, magaling talaga ang author ng librong 'yan. It's Ms. SHB. Halos ang laman lang ng library ko sa DigiComics ay puro gawa niya."
Umangat ang dalawang kilay ko sa pahayag na iyon ni Neo.