ANG TAKAS
saad ni Senyor Gaspar, “dahil walang katapat na salapi ang pag-ibig ko sa iyo.”
“Practical lang ako,” pangangatwiran ng babae, “Maraming matutulungang tao ang millions of pesos na halaga ng singsing na ito kung ibibigay natin sa charity.”
Nagtawa ang Senyor.
“Maaari akong magbigay ng millions of pesos na donations sa kahit anong charity na gusto mong bigyan,” paliwanag nito, “pero huwag mong ipagkait sa akin ang kaligayahang ipagkaloob sa iyo ang gaano man kamahal na bagay na gusto kong ibigay sa ‘yo.”