KEEP ME CLOSE
TALACHUCHI
"You fell in love with someone who has ambitions in life. Let her follow her dreams and stop sulking. Kung hindi siya makasabay sa pagkain dahil abala siya sa negosyo niya, be old enough to feed yourself and proceed with your own tasks. Hindi por que mahal mo ang tao ay di-depende ka na lang sa kaniya. You have to live your own life, too."
Hindi na sumagot pa si Gene. Alam nitong kapag nag-umpisa nang sumermon ang ina ay kailangan na nitong manahimik.
Nagpatuloy si Felicia. "Ang dalawang tao sa isang relasyon ay parang mga puno 'yan, anak. Kailangan nilang magkaroon ng sapat na espasyo para kumalat pa lalo at lumalim ang mga ugat nila. That way, they would grow bigger and mightier. They would become stronger. What I was trying to say is that... people in a relationship need space, too. For them to grow and be stronger. Dahil kung hindi, papaano nila
mapo-protektahan ang pag-ibig nila sa isa't isa?"