Insurrection of Prophecy
Umiiyak na saad nito sa akin na nagpalala pa lalo ng pagtataka at pamumuo ng mga katanungan sa aking isipan.
"Teka, ipaliwanag mo nga ng buo ang mga nangyayare sa inyo." Utos ko naman. "Sige, kung iyan ang hiling mo. Isang daang taon na ang nakalilipas, payapang namumuhay ang mga ghouls sa Reino do Fogo bilang mga mamaya nito, kapalit nun ang proteksyon ng kaharian. Ngunit isang araw, pinaalis kami sa Reino do Fogo, dahil hindi na raw nila makayanan na nakakikita ng pangit na pagmumukha, maka-aamoy ng masangsang na amoy sa araw-araw, at hindi maintindihang mga nilalang ang mga Fantasian na naninirahan doon. Kaya ayun matiwasay kaming umalis sa Reino do Fogo at nanirahan sa bundok, kase sinabi naman ng hari
na susuportahan niya kami ng pagkain at salapi bilang kapalit ng paglisan namin. Ngunit nagulat na lang kami nang narito na kami sa bundok ay gumawa ang mga kawal ng isang napakalakas na Barrier na kumulong sa amin dito, kaya naman napilitan na kaming kumain ng kahit anong bagay, kahit na mapadahon, Fera o ang mga napapadpad na mga manlalakbay dito para mabuhay ang buong angkan namin na may isang libong miyembro." Mahabang kwento ng Leader nila. Napabuntong hininga naman ako dahil doon.