Immortal Series Book 2: Immortal’s Fire
charmainglorymae
Alam ko na gusto niya ng kausap dahil matagal din na panahon siyang walang kausap kundi ang sarili niya lang.
"Mga lumang kwento. Kagaya nito—may isang hari na nakatakdang ikasal sa isang magandang prinsesa. Ngunit ayaw niyang maikasal dito, kaya ang ginawa ng hari, pinapatay niya ito para hindi maituloy ang kasal." Kuwento niya sa akin na ikinangiwi ko naman. Parang pamilyar ang sinabi niya pero alam ko na kwento lang iyon dahil imposibleng malaman niya ang kwento ni Elijah. That happened more than a hundred years ago, while Erigor was trapped here more than a thousand years ago. It's just a coincidence. "Namatay ang prinsesa at ilang taon ang lumipas, ipinanganak muli ang prinsesa sa ibang katauhan. Hindi na siya prinsesa, isang hamak na alipin na lamang siya. Doon siya nak
ilala ng hari muli. Sa pagkakataon na iyon, minahal na siya ng hari. Lingid sa kanyang kaalamanan na pangalawang buhay na niya iyon, at ang hari na kanyang mahal ay siyang nagpapatay sa kanya noon. Isang araw, nalaman na lang niya ang buong katotohanan, na ang nagpahirap at pumatay sa kanya ay ang haring mahal niya sa ksalukuyan. Imbes na magalit siya, inintinde niya ang mga nangyari. Pinatawad niya ang hari sa naging kasalanan nito at namuhay sila ng mapayapa." Mahabang kwento nito at mas lalong nagpangiwi sa akin.