CARIÑO ETERNO
Tale of Sol
Mahilig akong magbasa ng libro, lalong lalo na yung Harry Potter series at sure akong yun ang unang itatanong.
“Anong line sa book ng ‘Harry Potter and the Sorcerer’s stone’ ang pinakanagustohan mo?”,confident niyang tanong sa akin.
Matagal-tagal ko na ring natapos ang Series ng Harry Potter, halos three years na rin yung nakakalipas. Pero salamat dito sa Hyperthymesia ko, di ko makalimutan yung bawat linya na nabasa ko sa Series na yun.
“It does not do to dwell on dreams and forget to live.”,mabilis kong sagot.