THE FIFTY-BILLION BRIDE
ELEANOR POV:
Matapos naming kumain, pinapunta ako ni Dickran sa kanyang library. Ang mabangong amoy ng lumang papel at kahoy ay sumalubong sa akin nang buksan ang pinto. Napakunot ang noo ko nang makita ang malaking mesa sa gitna, puno ng mga nakasalansan na libro, at ang malambot na sofa kung saan ako pinaupo. Nakaupo siya sa isang malaking leather chair, ang mga mata ay nakatuon sa isang dokumento. "Anong pag-uusapan natin?" tanong ko, di ko na napigilan ang sarili.