Prince In My Dream (Book 1)
Kei Abordo
May galit, inis sa sitwasyon, at lungkot sa puso niya.
Magkatabi silang nakaupo sa kama ni Robin.
Malinaw na malinaw pa rin sa isip ni Robin ang mga alaala ng kanyang Ama. Namatay ito ng walong taon pa lang siya. Isa itong magaling na Hari - Responsable, matalino, buo at malakas ang loob, outspoken, isang napakagaling na LEADER at higit sa lahat... mahal nito ang bansa at lahat ng mamamayan nitong. Iginagalang siya ng lahat, iniidulo at sinusuportahan siya ng mga tao sa lahat ng gawin niya.