Ms. Angas at Mr. Arogante
Tumama ang bola at gumulong sa fairway na mas maayos kaysa sa inaasahan ng kahit sino sa amin.
Sandaling katahimikan.
Tapos—“Hey!” tuwang sigaw ni Lolo Ruel, halos parang bata. “Hindi masama! Hindi masama!”
Natawa si Jenelyn, bahagyang hinihingal pa. “Swerte lang po ‘yon, Lo.”
“Walang swerte sa swing,” sagot ni Lolo, proud na proud.
Pero ako, hindi ako nagsalita.
Hindi dahil wala akong sasabihin.