Here Comes the CEO’s Wife
Obvious sa decorations pagpasok ko sa building: orange and black streamers nakasabit sa ceiling, isang life-sized skeleton sa gitna ng lobby, at mga cobwebs na nagkalat—na hindi ako sigurado kung props lang o may halong totoong alikabok dahil tinamad silang maglinis.
First Halloween ko pala sa kumpanya, base sa natatandaan ko. Wala naman siguro akong dapat ikatakot, ‘di ba?
Dumiretso ako sa elevator, pero muntik na akong mapatalon nang makita ang nakakatakot na mukha sa salamin—isang realistic sticker ng multo na parang sumisigaw!
“Ano ba ‘yan!” reklamo ko, sabay hawak sa dibdib. Ang aga-aga naman nilang manakot.