Past Shadow
Ito lang ang tanging ala ala niya kay Helen kaya hanggat maari hindi niya pwedeng pabayaan ang bahay ampunan .
Kinuha niya ang mga librong nakalagay sa box para ilagay sa bagong bookshelf ng opisina sa bahay na binili ng kanyang lola .Mas malaki ang bahay kumpara sa dati nilang tirahan .Medyo hindi na rin maayos doon dahil nawala na ang dating sigla simula umalis si Helen at naging masama ang mga naninirahan doon . Pagkakuha niya sa huling libro ay may isang litratong nahulog . Kinuha ito at nagulat siya sa nakita .