Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss
Naawa siya sa babae at hindi na halos kaya pang marinig ang kuwento nito.
“H-Hindi lang ito ang ginawa nila sa akin. P-Pinakain nila ako ng mga insekto, nilunod sa kubetang puno ng dumi, a-at tinatakan ng mga pilat gamit ang matatalas na bagay na posibleng makasugat. I was alone there, no one comes when I call names. P-Pinagtawanan nila ako, pinaramdam sa akin na isa akong hayop at walang silbi. I was calling my father’s name, but he didn’t come to rescue me. Kinaumagahan ay nalaman ko na lang na inatake sa puso si Daddy. Lila, wala na ako ng mga bagay na mayroon ako noon. Even Thon, he ended his life inside the jail because he said he could not find himself living another year inside. Naging miserable ako, naging malumbay ang buhay ko at halos mawalan ako ng pag-asa. Ni gumising sa umaga ay kinat
amaran ko na! Parang gusto ko na lang mamatay upang makapagpahinga na sa lahat ng sakit na nararanasan ko sa mundo. Pero isang araw ay dumalaw roon sina Sister Nelly, binuksan niya ang mga mata ko na hindi lamang doon natatapos ang lahat. May pag-asa pa lalo na kung tatanggapin ko ang Diyos na siyang magiging taga-pagligtas ko. Simula noong araw na iyon ay bibliya na ang katabi ko sa pagtulog, inaaral ko ang bawat salita ng Diyos, Lila. Nagbago ako. At doon ko nakita ang pag-asa. Nakita ko ang sarili ko na nakaluhod sa tabi, pinangakong pagsisilbihan ko Siya at magiging bagong ako ako.”