The Billionaire's Legal Wife
“Hindi lang ikaw ang unang taong nakasalamuha ko sa ganung sitwasyon, hindi lang ikaw ang unang taong nakilala kong may panic disorder. Marami rin akong alam tungkol sa bagay na yun dahil may nakasama na akong taong katulad mo. Parehong-pareho kayo ng kalagayan at hindi mo kailangang mahiya kapag nandun ako sa tuwing kailangan mo ng isang taong makakatulong sayo. Blaze, hindi masamang humingi ng tulong minsan, hindi naman matatapakan ego mo dun bilang lalaki eh.”
“But, I don’t need your help. I don’t need anyone.”
“Nasasabi mo lang yan pero ang totoo, kailangang kailangan mo. Natatakot ka lang na malaman ng ibang tao ang kahinaan mo. You need someone na makakatulong sayo para ihandle ang mga problema mo, tulungan kang makapag-isip ng maayos. Dahil kung mahina ka talaga
hindi mo kayang tulungan ang sarili mo, lalo ka lang mahihirapang huminga dahil para ka ng nabibingi. If you need someone, don’t hesitate to ask for help. If you need someone, I’m always here. Kailangan mo lang sabihing, tulong. Tulong lang Blaze and I will be there.” Ngiti kong saad sa kaniya. Tumayo na ako saka bahagyang yumuko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at lumabas na ako ng conference room.