Living With The Ruthless
I'm sorry.
"At sino ba ang babaeng 'yon ha, Quinn? Napulot mo lang ba 'yon kung saan? Wala manlang yata 'yong magandang background?"
"Background is not important for me, Ma," sagot ko.
Inikutan niya ng mata ang sinabi ko. "Nagkakamali ka do'n. Kung gusto mong maging makapangyarihan pa sa mata ng mga tao, kailangang maganda at mataas ang background ng pamilya para malawak din ang koneks'yon at impluwens'ya. Ibababa mo ang sarili mo dahil lang sa babaeng 'yon? Ha! You're unbelievable."