TORD 1: I Love You, Best Friend
"Kyline, hindi mo naman kailangan isipin ng ganito ito eh. You know, if you love Shantall in that way, then it's fine. If you are a lesbian or a bisexual it is completely fine. Diba you support LGBTQ+? At ang madalas mong sabihin sa mga kakilala nating parte ng community na yon ay let them be themselves, as long as wala silang natatapakang tao, it is fine. The same goes with you, Kyline. Hindi mo kailangang pasakitin ang ulo mo kakaisip at pahirapan ang sarili mo."
I stared at the blank wall after those words. Ramdam ko na naman ang pamamaga ng mata ko na syang madalas mangyari sa tuwing umiiyak ako maski sandali lang yon.
His words played inside my head. I don't need to be hard on myself just because I could be a bisexual or a lesbian, as long as wala naman akong natatapakang ibang tao. Yon din ang madalas kong sabihin, I am actually
a supporter of LGBTQ+ community, may mga kakilala din ako na parte ng community na yon at madalas ko silang i-encourage na harapin kung sino talaga sila, to express who they really are. Ngayon, ako naman ang napunta sa posisyong ito. I now know their feeling.