Ang Bilyonaryong Magsasaka
"Nababaliw ka na, Axis! Walang kahit na sino ang babaeng magkakagusto sa'yo dahil sa ginagawa mo!"
Lahat ng lumabas sa bibig nito ay mga swearing words kaya napapailing siya. Kasalanan naman talaga niya kung bakit minumura siya nito pero hindi lang niya lubos maisip na lahat na yata ng dirty words ay nabanggit na nito. At mukhang sanay na nitong sabihin iyon dahil hindi man lang ito kumukurap nang isinisigaw nito ang mga iyon.