Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)
"Siyempre, iba ang pagmamahal ko kay Lolo George at kay Jeremiah, ngunit ang pag-ibig ko sa iyo ay ang natatanging uri ng pag-ibig na nagbibigay sa akin ng lakas at dahilan para gumising at ngumiti araw-araw. Kaya pakiusap ko sa iyo, aking mahal... huwag mo na akong sasaktan muli. Huwag mo na akong paiiyakin sa lungkot."
Tumingin ako nang diretso sa kanyang mga matang patuloy na binabaha ng luha. "Simula sa araw na ito, ibinibigay ko sa iyo ang buong buhay ko. Ang bawat ngiti ko, ang bawat lakas ko, at ang bawat pangarap na bubuuhin ko ay sayong-sayo na. Wala ka nang ibang pagmamay-ari sa mundong ito na mas mahalaga, maliban sa akin... dahil ako ang magiging matibay mong sandalan kapag pagod ka na sa
buhay, at ako ang magiging mainit mong tahanan kapag pakiramdam mo ay nag-iisa ka sa mundo. I love you, forever and palagi... ngayon at magpakailanman, I’m your wife, Eli."