Memories of Erie
"Si Potchi... siya ang kasama ko no'ng mawala ang best friend ko. Kay Potchi ko iniiyak lahat ng hinanakit ko nang mawala siya. Si Potchi ang kasama ko kapag malungkot ako, siya ang nakakakita ng ups and downs sa mga kinakaharap kong sitwasyon. Si Potchi na lang din ang tanging memories na naiwan sa akin ng kaibigan ko. Ngayon wala na siya, s-silang dalawa.. wala na... Wala na ang dalawang importante sa buhay ko. P-paano na 'ko? I-iniwan na nila akong dalawa."
Hindi ko inaasahan na ganito kalalim ang babaeng 'to. Sa kabila ng pagiging masayahin, pala-bungisngis, at pagiging makulit ay may sakit din pala siyang dinadala. Akala ko ako lang ang miserable ang buhay, siya rin pala. Speechless ako sa mga narinig ko mula sa kanya.
Hindi ko alam kung paano mag-re-response. Oo, nawalan din ako ng alaga pero, iba naman ang sitwasyon ni Aerielle.