Numero Unong Mandirigma
Hinawakan niya sa balikat ang kanyang ina at sinabing, "Ma, please, huwag ka nang mag-alala. Binibigyan lang kita ng ideya kung gaano karami ang pera ko para mapanatag ang loob mo. Please, huwag kang mag-alala, napakagaling ng anak mo. Sa susunod, huwag mo nang titipirin ang sarili mo. Gastusin mo ang pera sa paraang gusto mo. Hindi mo kailangang tipirin ang sarili mo gaya ng dati. Ako lang ang nag-iisa mong kamag-anak. Gusto ko lang na mabuhay ka ng masaya at maayos. Doon lang mapapanatag ang loob ko!"
Huminto sandali si Fane at sinabing, "Ayaw ko sanang sabihin sa iba ang tungkol dito. Unang-una, gusto ko lang mamuhay ng payapa at ayaw kong mapunta sakin ang atensyon ng lahat ng tao. Pangalawa, alam mo n
aman kung anong ugali ng mother-in-law ko. Kapag nalaman niya kung gaano ako kayaman, siguradong malalaman agad yun ng buong mundo sa loob lang ng dalawang araw!"