The Billionaire's Unwanted Divorce
miss_hannacalie
Papalapit ang isang babae na parang walking sculpture, short hair na hanggang collarbone, naka-black satin halter dress, at may aura na parang isang black swan na galing sa opera.
“Si Nancy Drew,” sabi ni Alexis habang patakbong sinalubong ang babae. “General manager ng Singapore branch.”
Napamulagat si Zein.
So... siya si Nancy Drew? Ang ganda niya!
“Ms. Drew,” bati ni Alexis.
“Alexis,” malamig ang tugon ni Nancy. “It's quite a while.”
Pero nang mapansin si Zein, biglang tumalim ang tingin niya.