Seducing My Overweight Wife
Nagsalubong naman ang mga kilay niya habang tinitingnan ang papel na ibinibigay nito.
"Buksan mo iyan kapag nakaalis na ako," muling bulong ni Bullet.
Kunot-noong tinanguan niya na lang ito. Hindi niya alam kung ano ang trip ng lalaki, pero hindi na siya magrereklamo. Masiyado siyang pagod para hindi sumabay sa agos ng tubig.
"Hindi nagbibigay si Mr. Pooh Bear ng honey sa mga babaeng nakasimangot, hindi ba HON-nah?" sabi nito, emphasizing the word hon, habang nakangiti nang malapad.