Mr. Lovato, Marry Me
Tempest Williams is not only known for her beauty and excellence in the modeling industry but she had also long been known as the sole heiress of the Atlantis Ridge Company. But behind her glittering gold life, she often struggles to hide her fantasy-like identity of being a half-fae. And what’s more? She would find herself ignorantly entering the webs of troubles surrounding two opposing mafia bosses, who shall either bring her to her demise or happy ending.
***
Nagsimula ang lahat sa isang proposal at hindi inaasahan ni Tempest na ang simpleng pag-aaya niya ng kasal kay Cohen Ranger Lovato ay siyang makapagpababago sa kaniyang tahimik na buhay. Bukod sa malalaman ng iba ang tunay niyang katauhan ay maiipit din siya sa matinding alitan ng dalawang mafia bosses na magre-resulta sa pagkamatay ng isa.
And when the fateful day would arrive, Tempest would be forced to choose… will she save herself from the doom of death or will she save the man whom she unknowingly brought into grave danger after failing to protect his brother?
My Billionaire Enemy Is My Lover
Labis na nagtaka si Seraphina nang bigla siyang mailipat sa ilalim ng pamamahala ng bagong boss sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi siyang pinapahiya at minamaliit nito. Alam niya sa sarili niyang magaling siya sa trabaho, pero para sa bagong boss niya, isa siyang walang kwenta.
Galit sila sa isa’t isa. Ngunit ang matinding galit na iyon ay nagbunga ng isang di-inaasahang pangyayari—isang gabi ng matinding pagnanasa na bumalot sa kanilang dalawa.
Matapos ang nangyari, mananatili pa rin ba ang poot sa kanilang mga puso? O ang galit na kanilang nararamdaman ay unti-unting magliliyab bilang pag-ibig?
CHAINED (Tagalog)
Walang ibang pinangarap si Sabrina kung hindi ay ang makapagtapos ang mga kapatid sa pag-aaral at hindi maranasan ang hirap ng buhay na dinanas niya. Hindi basta-bastang nagtitiwala si Lance lalo na sa mga babae dahil sa madilim niyang nakaraan na hindi niya magawang bitawan. Pero paano kung magkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon? Posible bang titibok ang puso nila sa isa't isa? Magagawa bang alisin ni Sabrina ang poot at galit na nasa puso ni Lance?Tatanggapin ba niya ang alok ni Lance kapalit ng katuparan ng kaniyang pangarap?
BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)
Kapayapaan ang hinahangad ng lahat ng tao sa mundo kabilang na s'ya. Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang mawala sa kan'ya ang inaasam na kalayaan dahil sa isang babae na nagnakaw nito sa kan'ya.
Paano n'ya ito iiwasan kung may isang anghel ang nag-uugnay sa kanila? Paano n'ya tatalikuran ang kanilang anak na kahit saang anggulo tingnan ay kamukhang-kamukha n'ya?
Paano n'ya haharapin ang bukas ng maayos at masaya kung puno ng poot at galit ang kan'yang puso? Matutunan n'ya kayang mahalin ang babaeng ipinakasal sa kan'ya ng mga magulang?
Hiding The Billionaire's Son
Highschool buddies, college girlfriend, at number one supporter siya ni Szellous Veron Dela Vega o mas kilala sa screen name nitong Seve.Mayaman ang pamilya ng lalaki kaya kahit nobya na siya, ay di pa rin siya matanggap ng pamilya nito. Nangako ang lalaki na ipaglalaban siya nito sa pamilya niya ngunit ang di niya inaasahan ay ang pakikipagbalikan nito sa dating nobya. Nalaman na lamang niya na ginamit lang pala siya nito para pagselosin ang dating nobya nito.Umalis siya nang Pilipinas para itago ang pinagbubuntis niya sa pamilya ng lalaki, at sa kanyang pagbabalik isa lang ang nais niya. Ang maghiganti sa mga taong umapi at nagbigay ng poot sa kanyang dibdib.---Limang taon ang lumipas at nagkita sila muli, ngayon ay isa na siyang hinahangaan na Solo Artist at CEO sa isa sa pinakamalaking Entertainment Company.'LJ Entertainment were build to compete with Dela Vega's Entertainment company'at gagawin niya ang lahat para bumagsak ang lalaki na dati niyang hinahangaan.
Tamat
MARRYING A MAFIA
Aireen Cassandra Montes is the only daughter at tagapagmana ng isa sa pinakamalaking shipping line sa buong mundo,the Montes International Shipping Line Private Limited or mas kilala sa tawag na MISL Limited...
Tulad ng nakagawian ng mga mayayamang magulang sa kanilang mga anak,isa din siya sa ipinagkasundo ng kaniyang ama na ipakasal sa anak ng kasosyo nito na ni pangalan ay hindi niya alam..
Galit at poot ang nararamdaman niya sa kaniyang ama sa pagmamanipula sa buhay niya kung kaya isang plano ang nabuo sa isip niya and that is.....to RUNAWAY..!!
Tobias Craig Lewis owned a construction company, a CEO of his own empire, ang hindi alam ng iba na hindi lamang negosyo ang ikinabubuhay nito, anak s'ya ng isang mafia,mayaman,ma impluensya at may mataas na antas sa alta sosyodad.
Sanay s'ya na nakukuha ang lahat ng gusto lalo na ang mga babae.Sa kanilang magkakaibigan siya ang naturingang "playboy" dahil sa kabilaan ang mga babae niya,but he doesn't have any girlfriend, dahil sa isang babaeng matagal niya nang kinababaliwan.
Their parents arrange their marriage.
Ginawa niya ang lahat mapasakamay lamang ito,ngunit kahit ganon pa man mahigpit ang pagtatanggi nito sa kaniya para siya pakasalan.
Paano niya makukuha ang loob ng babaeng tinatangi ng kaniyang puso?Matutugunan kaya ang kaniyang pagmamahal dito ?Paano niya ito napilit to marry a mafia like him ?
Nabuntis Ako ng Bilyonaryo
Si Tallulah 'Tali' Lopez, gagawin niya ang lahat para lang makuha at mapaibig ang isang gwapo at masungit na si Gael Ramirez, ang lalaking mahal niya at hindi niya kayang mawala. Desperada na siyang makuha ang binata kaya naman ibinigay niya ang sarili niya rito nang gabing lasing ito para tuluyan itong matali sa kaniya ng habang buhay. Dahil nagbunga ang gabing iyon, wala nang nagawa pa si Gael kung 'di ang pakasalan siya ngunit nang malapit na ang kanilang kasal, bigla na lang naglahong parang bula ang binata at hindi na bumalik.
Walong taon ang nakalipas, bumalik si Gael Ramirez na dala ang galit at poot sa kaniya. Bumalik ito bilang isang bulag na bilyonaryo at naging personal caregiver siya ng binata. Babalik pa kaya ang dating pagmamahal ni Tali sa binata gayong ikakasal na siya sa kaibigan nitong si Kendric? Muli pa kaya itong makakakita at matatanggap pa ba siya nito gayong siya ang dahilan kung bakit ito nabulag?
BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)
BE WITH YOU (TAGALOG)
Lumaki si Adeline Pendleton sa isang mayamang pamilya. Nasa kanya ang lahat ng gusto ng isang tao sa buhay. Kayamanan, katanyagan, kagandahan, pera, mga damit na taga-disenyo, at mga masasarap na pagkain. Lahat, maliban sa lalaking mahal niya- si Drake Wright.
Si Drake Wright ay ang tagapagmana ng Wright's Corporation. Sa kanyang murang edad, bumuo ang kanyang mga magulang ng isang imperyo na mamanahin niya balang araw. Okay ang lahat para sa kanya, hanggang sa nasangkot ang kanyang ama sa isang seryosong sitwasyon na nakaapekto sa kanilang kumpanya. Sinabihan siya ng kanyang mga magulang na malulugi ang kanilang kumpanya at ang tanging makakalutas sa kanilang problema ay dapat niyang pakasalan ang anak ng kanilang kaibigan- si Adeline Pendleton. Hindi niya gusto ang babae dahil ito ay masyadong walang muwang para sa kanya; naiinis siya sa presensya nito, at may mahal na siyang iba.
Sa kasamaang palad, may malubhang karamdaman din ang kanyang ama at wala siyang magawa sa kanilang kumpanya kaya't humingi ito sa kanya ng pabor na ayusin ang problema para sa kanya.
"Marry her, son. That's the only way. If you won't, maglalaho lahat ng sinakripisyo at ginawa namin ng ina mo para sa kumpanya natin." Sabi ng ama ni Drake habang nakahiga sa kanyang kama, hindi maigalaw ang kanyang mga kamay.
Ano kaya ang mangyayari sa one-sided at broken marriage nina Drake at Adeline? Kakayanin kaya ni Adeline ang malupit na pagtrato at kayabangan ni Drake?
Mabubuhay ba silang magkasama bilang mag-asawa nang walang pagmamahal at pagkakaintindihan? O mamumulaklak ang pag-ibig sa gitna ng bawat poot at hindi pagkakaunawaan?
On going
THE COLD-HEARTED BILLIONAIRE: Crandall El Greco
Portia’s happy life turned upside down when she witnessed the heinous murder of her boss, her best friend Jass Anne. Para hindi rin siya mapatay nang mga armadong lalaki, tumakas siya hanggang sa napadpad siya sa mansion ni Crandall El Greco, a cold-hearted billionaire. She begged him to help her hide, so that the people who wanted to kill her would not find her. Crandall agreed, but on one condition: she would become his maid. She had no choice but to agree to what he wanted to happen.
Pero habang tumatagal na nasa mansion siya ni Crandall, hindi niya rin napigilan ang kaniyang damdamin na mahulog dito.
But what if she discovers Crandall has something to do with the death of her friend, Jass Anne? Mamahalin pa rin ba niya ang lalaki o kamumuhian niya ito? Pipilitin pa rin ba niyang makatakas mula sa mga kamay nito or will she stay by Crandall’s side kahit galit at poot na ang nararamdaman niya para dito dahil sa kaniyang mga nalaman? Is she ready to put aside the anger she feels for the sake of her love for him?
Tamara, The Mafia's Gem
Tamara, the mafia's gem!
But in real life, isa lang siyang walang kwentang tao na ipinadala sa mafia's underground world para patayin ang pinuno ng mga mafia group kasama na ang lider ng Devil's Angel Mafia Organization.
Hanggang sa muling magtagpo ang landas niya at ng mga taong nagpadala sa kaniya sa mafia's world. Sa pagkakataong ito, kalaban na ang turing nila sa kaniya. Sa gitna ng panganib at kalituhan, isang alagad ng batas, sa katauhan ni Lt. Andrei Montillano, ang maninindigan upang iligtas siya sa bingit ng kamatayan.
Dahil sa ginawa ni Andrei, ituturing siyang bayani ni Tamara. Subalit lingid sa kaalaman ng dalaga, pagbabayarin siya ng bilyonaryong binata sa kamatayan ng ama nito na minsan ay naging target niya sa isang misyon.
Ngunit paano kung sa huli'y kapwa sila mahulog sa kumunoy ng mapaglarong pag-ibig? Handa ba nilang kalimutan ang poot sa kanilang mga puso alang-alang sa nanganganib nilang anak?
May halaga ba ang salitang pagmamamahal sa dalawang taong handang ipaglaban ang prinsipyo at katarungan kung pareho na silang natutupok sa apoy ng galit?
IMITATION.
TITLE: IMITATION.
Destiny and Serenity are identical twins who were raised in different environments and statuses. Isang lumaki sa hirap at ang isa ay lumaki sa karangyaan.
Isang malubhang karamdaman ang dumapo kay Serenity dahilan upang mapilitan si Destiny na pumalit sa pwesto ng kakambal bilang fiance ng isang Andress Montefalcon.
Andress Montefalcon, a young business tycoon of his generation, serves as the CEO of Montefalcon Corporation. Andress and Serenity were set to marry as part of their family agreement. Despite being an arranged married couple, Andress and Serenity fell in love with each other.
Pagkaraan ng ilang araw nang kasal ay isang lihim ang natuklasan ni Andres sa katauhan ng kanyang asawa. Isang lihim na yumanig sa kanyang buong pagkatao at isang lihim na naging dahilan ng matinding sakit at poot.
Hanggang saan dadalhin ng poot at galit si Andres sa kanyang asawa? At hanggang saan ang kayang pagtitiis ni Destiny?
Handa bang talikuran ni Destiny si Andres gayong hulog na hulog na siya rito? Hanggang saan ang kaya niyang pagtitiis gayong sa araw-araw ay pinapamukha sa kanya ni Andres na isa siyang mapagkunwari at huwad?
Will Destiny choose to stay beside the man he loves and choose to be an IMITATION of her twin Serenity? Will love prevail over hatred ang pain?
Dirty Secret of the CEO's Wife
Wild and immodest are just a few words na ikinakabit sa pangalan ni Atashia Magnoia. Bakit? Anak kasi siya ng isang babaeng mababa ang lipad. People condemn her because of her mother's work. Dahil dito kaya simula noong bata pa siya ay pilit niyang pinatutunayan sa lahat na iba siya sa kaniyang ina. Sa kabila ng pangmamaltrato na kaniyang nararanasan, hindi niya magawang iwanan ang kaniyang nanay. Wala kasi siyang ibang matatawag na pamilya maliban dito.
Hanggang sa dumating si Lance Henzon sa buhay ni Atashia. Wala siyang pakialam sa kung anuman ang kinamulatan na buhay ng dalaga. Sa kabila ng pagiging CEO ng Henzon Group of Companies, walang takot niyang aalisin ang babaeng minamahal sa putikan na kinasasadlakan nito, kahit kapalit noon ay madungisan ang apelyido na iniingatan niya. Handa siyang maging tanga at katawa-tawa sa ngalan ng pag-ibig. Pakakasalan niya si Atashia dahilan para isumpa siya ng kan'yang buong pamilya. Iiwan n'ya ang karangyaan at magtratrabaho siya bilang isang construction worker para buhayin ang kaniyang asawa. Sa kabila ng hirap, magiging masaya silang dalawa. Ngunit isang aksidente ang babago sa lahat.
Sa muling pag-gising ni Lance, mamumulat siya sa katotohanan na ang kan'yang asawa ay nakalimutan na ang kanilang sumpaan at naging katulad na rin ng kaniyang biyenan. Bukod pa roon, may anak na si Atashia na pilit ipinaaako sa kaniya. Ang pusong dating wagas kung magmahal ay babalutin ng matinding poot at kasamaan na magdudulot ng matinding sugat sa mga puso nila. Ang kasal na nagbibigkis sa dalawa ay tatalikuran ni Lance at sa iba niya hahanapin ang panibagong kaligayahan.
Ngunit paano kung gawin ni Atashia ang lahat upang muli siyang mapaibig, babalikan n'ya pa rin ba ang kan'yang asawa sa kabila ng pagkakaroon nito ng dirty secret?
The Wife's Comeback
Hindi na mabilang pa ni Rigella kung ilang beses na siyang sinaktan ng kanyang asawa. Dahil ang kasal nila ay ipinilit lamang. Siya lamang ang may kagustuhan na maganap iyon.
She got pregnant with Ivan's child because of a mere one night stand. Kaya nang malaman ito ng kanyang parents ay kaagad sila nitong ipinakasal. Wala man lang tanong-tanong kung parehas nila itong gusto.
While Ivan on the side, has his long time girlfriend whom he truly love. Harap-harapan niyang ipinapamukha kay Rigella na hindi niya ito mahal at talagang mag-asawa lang sila sa papel.
Mind-blowing situations, jaw-dropping revelations, rip-roaring lies and forbidden secrets. How can love take its place? Lalo pa kung natupok na ng nag-aapoy na galit at poot ang dapat sana'y wagas nang pagmamahal?
Paano muling magbabaga ang apoy nito?
O ang apoy ba ng paghihiganti ang mananaig hanggang sa huli?
Manang at Pikon ( Filipino )
Si Allysa Enrile ay isang manang, ngunit walang kinakatakutan. Para sa kanya 'manang is the new fashion' at siya ang magpapatunay na hindi lahat ng manang ay inaapi. Dahil kahit manang siya ay hinahangaan siya dahil sa tapang niyang harapin ang mga bully.
Tahimik ang buhay studyante niya kasama ang dalawa niyang pinsan, at syempre ang maganda niyang ate na pantasya ng mga kalalakihan sa Villafrancia Universal School. Nang bigla niyang makilala si Adrian Villafrancia, ang pikon na anak ng may-ari ng Eskwlehan na pinapasukan niya.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa una nilang pagtatagpo. Hanggang sa lumala ang bangayan nila, at lagi silang nagkakaharap. Madalas siya nitong kontrahin, supalpalin, at awayin.
Ngunit ang madalas na bangayan ay nauwi sa pagkakamabutihan at pagmamahalan.
Pero hindi nagtagal, habang napapadalas ang kanilang pagsasama. Habang lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Adrian ay siya naman pagkagising ng poot sa puso niya. Poot para sa magulang nito na siyang sumira sa Pamilya niya.
Habang nakikita niya ang Pamilya nito na masaya ay nasasaktan naman ang kalooban niya. Dahil ang mga ito ay masaya samantalang silang magkapatid ay nagdusa at nawalan ng magulang.
Kaya ba'ng pawiin ng pagmamahal ang sakit ng nakaraan o magiging daan lang ito nang panibagong sakit para sa dalawa?
Mapapatawad ba ni Allysa ang pamilya ni Adrian o sasaktan niya ang binata para makaganti sa pamilya nito?
Magkakaroon ba ng happy ending o magiging tragic ang patutunguhan ng relasyon nila?
Tamat
Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back
Tuluyan nang nagising si Mayumi Romero sa katotohanang hindi siya kayang mahalin ng mabagsik at walang pusong business conglomerate na si Miguel Lopez. Ang kasal nilang dalawa ay nasa ilalim lang ng isang marriage contract at walang ibang gusto ang lalaki kung hindi ang serbisyo niya—ang magpanggap na mabuting asawa sa harap ng ina nito at ibigay ang pisikal na pangangailangan nito kapalit ng salapi. Ang pantasya niyang mamahalin din siya ng lalaki ay nawasak nang makulong siya sa malas na relasyon.
Sa una’y kayang-kaya niya pang tiisin ang panlalamig at trato sa kaniya ng lalaki. Subalit nang pinilit siya nitong ipalaglag ang kanilang anak, kinain na ng poot at pagkamuhi ang pagmamahal niya. Nilisan niya ang Pilipinas at hinayaang pagalingin ang sarili matapos ang matinding sakit.
Sa pagbabalik niya, napag-alaman niyang kay tagal siyang hinintay ni Miguel. Umaasang mapapatawad at babalikan niya ito ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa simula nang pinapatay nito ang kanilang anak.
His Criminal Heart
Justice and revenge.
Iyon lang ang nasa isip ni Alexandria hanggang sa tumuntong siya sa edad na bente-sais.
Desi-otso anyos siya nang magulantang siya sa kaniyang nasaksihan sa mismong tahanan nila.
Pinatay ang Mommy at Daddy niya habang ang kaniyang kapatid naman na babae ay walang sawang inangkin at binaboy.
Dahil sa kagustuhang maipaghiganti ang pamilya. Nakilala niya si Raul.
Ang dahilan ng unti-unting paglimot niya sa nakaraan. Ang lalaking nagpagulo sa natutulog niyang puso. Pero bato naman pagdating sa salitang pagmamahal.
Isang bagay ang nalaman niya tungkol sa binata.
Isang bagay na naging dahilan para muling sumibol ang galit, poot, at pagkamuhi sa kaniyang puso.
The Unwanted Billionaire
Misha Rivera ang babaeng hinubog ng mga pinagdaanan n'ya sa buhay. Mula noong kabataan n'ya danas n'ya ang hirap ngunit sadyang mabiro parin ang tadhana, Ang akala mong simple at payak na pamumuhay gugulantangin pala ng isnag trahedya na mag dadala sa kanya sa poot at pag aasam ng katarungan kahit gumamit pa ng ibang paraan.
Sa ika tatlong pagkakataon kaya na mag krus ang landas ni Thamaus Rexor Severillo at ng babaeng nag iisang tinangi mag mula pa ng s'yay bata pa lang, mapagbibigyan na ba ang asam na makasma ito o mas titindi pa ang banggaan sa pagitan nilang dalawa. Babaguhin ba ng tibok ng damdamin ang mga plano na matagal ng kasado.
Mahahanp ba nila ang sagot sa nakaraan? na puno't dulo ng gulo na hanggang sa kasalukayan ay dala ay buntot sa kanualng pag katao. Hahayaan na lang ba nilang tangayin ng pagmamahal ang galit, pagkamuhi at paghihiganti. Mananaig ba ang katotohanan at ibabalik sila kung saan sila laan. Matatapos ba ang pagiging The Unwated Billionaire ni Rexor o mauuwe ang lahat sa pagkaubos??.
Scream Your Name
Pagkagising niya ay sumalubong agad sa kanya ang galit na galit na si Xavien.
Pagkagulat, pagkalito at takot ang una niyang naramdaman. Para sa kanya ay hindi siya ang babaeng kinagagalitan nito. Hindi siya ang Andrina na tinatawag nito at lalong hindi siya ang asawa nito.
Paano niya matatakasan ang galit at poot ni Xavien kung pati siya ay hindi maalala ang mga nangyari sa kanya?
Sino ang tutulong sa kanya upang makaalis sa poder ng lalaking nagsasabi na siya ang asawa nito?
The Vengeance of the Heiress
Mavis witnessed the downfall of her clan. Nasaksihan niya ang pagkawala ng lahat sa kanya. Ang pagkamatay ng mga magulang niya, ang pag-agaw sa kompanya nila at ang unti-unting pagkawala ng pagkatao niya bilang nag-iisang tagapagmana ng Servillon. Lahat ng iyon ay nagsiga sa galit at poot niya at naging ugat ng kagustuhan niyang mapaghiganti at mabawi lahat ng kinuha sa kanya.
In the middle of her vengeance she entangled herself with the other inheritors, including Cyrus Dashiel Resalde, the gorgeous man that she first met in the middle of the night under the bright full moon. The man that holds a lot of secret na may kinalaman sa pagkatao niya. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang paghihiganti kung sa kalagitnaan ng pagpapaplano niya ay nahulog siya sa bangin ng pag-ibig na sa una pa lang ay dapat na niyang iniwasan.
MAMAW: Pahiram ng Kasalanan
May pangit na mukha ng isinilang si Banjo Canoy. Makakapal na mga kilay, maitim at busargang mga labi at ang pisngi ay tinadtad ng pimples. Kaya sa kanyang kabataan siya ay tinawag na Mamaw or pinaiklig Halimaw. A face that only a mother can love. Dahil sa itsura ay nilait siya ng mga tao. Ngunit ang mas masakit ay hinamak at pinagtawanan siya ng babaeng kanyang minahal.
Naitanong tuloy niya sa sarili kung bakit siya nasasaktan at nag-durusa gayong wala naman siyang nagawang mali. Hindi naman niya ginustong isilang na pangit. Okay lang sana ang magdusa kung may nagawa siyang kasalanan kaya’t nausal niya ang mga katagang, “Pahiram na lang sana ng kasalanan” upang justified naman ang sakit.
Ngunit nang mag-iba ang takbo ng kanyang kanyang buhay at hinangaan at kinabaliwan na siya ng halos lahat ng babae ay unti-unti na niyang pinakawalan ang poot sa kanyang dibdib. Ang galit na naipon dahil sa panlalait sa kanya noon ay tila apoy na tutupok sa mga nang-api at nanlibak sa kanya lalo na ang babaeng dumurog sa kanyang puso.
It’s payback time. Sila naman ang luluha sa kanyang mga bisig.