The Mafia' Seeds Thief
“Iniisip lang kita at si Miss Lucky. Napalapit na siya sa akin at si Chii, at wala akong ibang hanggad para sa kanila kundi ang maging masaya sila. Ikaw din, gusto kong maging masaya ka, iyong tunay na masaya na walang ibang inaapakan na tao. Hindi ko ito sinasabi sayo ngayon dahil nagdadalawang isip ako, alam mong kahit anong mangyari ay susundin ko ang kahit anong ipag-utos mo, pero hanggang kailan ka mabubuhay ng ganito? Hanggang kailan ka mabubuhay sa anino ng kahapon?”
“Hanggang sa mamatay ako, Psalm.”
Tinalikuran ni Apocalipsis ang kaibigan at nangunang pumasok ng sasakyan. Si Psalm naman ay napailing na lang, sino ba o ano ba ang pwedeng makapagpabago ng isip ni Apocalipsis? Naiintindihan niyang galit ito
, nasasaktan at sabik sa namayapang kapatid, ngunit wala na itong magagawa pa, kahit na itapon nila sa dagat si Genesis ay hindi na maibabalik ang buhay ni Malachi.