COVET ME, NINONG (SPG)
sinubukan ni Agatha na palambutin ang tono niya, “narinig ko ang lahat ng sinabi mo, pero Johnford, tama si lola. Ang tunay na pagmamahal sa isang tao ay hindi ang mamatay para sa kanila, kundi ang mabuhay ng mabuti para sa kanila.”
Natigilan si Johnford, “mabuhay ng mabuti?” hindi ba’t mas bayani ang mamatay kesa sa mabuhay?
“Oo, mabuhay ka ng mabuti.” binigyang-diin ni Agatha ang bawat salita. “Johnford ang mabuhay ay mas mahirap kesa sa mamatay. Isipin mo, kung mahal na mahal ka ng isang babae, pero wala ka na, mula noon, sa tuwing mami-miss ka niya, hindi ka na niya makikita, kapag kailangan ka niya, hindi mo na maririnig ang mga pagtawag niya. Sa mahabang buhay na ‘to kail
angan niyang harapin ang mga unos ng mundo ng mag-isa, at kailangan niyang pasanin ang dagdag na bigat ng sakit dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay. Kung talagang mahal mo ang isang tao, paano mo matitiis na mamatay at iwan siya?”